Tila wala sya sa kanyang sarili, tulad ng hindi nya napansin si Zhang Xuan na palapit. Ang maliwanag na buwan ay nagbibigay ng mapanglaw na liwanag sa kanyang katawan, lumilikha ng kaanyuan na katulad ng ethereal fairy na lilipad palayo sa mga susunod pang sandali.
"Para matulala ng ganyan, ano ang iniisip mo?" Nakangiting tanong ni Zhang Xuan.
"Wala lang..." Nanunumbalik mula sa pagkatulala, umiling si Luo Ruoxin. At tumayo, tumingin sya sa maliwanag na buwan at nagtanong, "Maari mo ba akong samahan maglakad sa labas?"
Sandaling natigilan si Zhang Xuan sa kanyang hiling bago nabalot ng galak ang kanyang mukha. Walang pag-aatubi, at agad syang sumagot, "Oo naman, kagustuhan ko rin ito!"
Nang makita nyang tuwang-tuwa si Zhang Xuan, umiling si Luo Ruoxin ng may malungkot na ngiti. Tahasan mo rin bang ipinapakita ang mga emosyon mo sa lahat ng iyong ginagawa?"