Ng si Wei Changfeng ay gumamit ng battle technique laban sa kanya, si Zhang Xuan ay nakapagcompile na ng libro sa kanya gamit ang Library of Heaven's Path.
Noong una, mayroon siyang malaking hinanakit para sa kabilang panig dahil sa masasamang ginawa niya dati, ngunit matapos malaman ang rason sa likod ng kanyang mga aksyon, hindi niya mapigilan na maawa ng kaunti sa kanya.
Hindi dahil si Wei Changfeng ay isang tao na may walang humpay na kasakiman, ngunit dahil kailangan niya ang mga ito para makaligtas ng buhay.
"Papaano ko man nalaman ito, ito lang masasabi ko. Hanggat pagsisilbihan mo ako ng mabuti, tutulungan kitang mailigtas siya. Kahit na lagpas pa ito sa kakayahan ko, gagawin ko ang lahat para makahanap ng tao na nagtataglay ng abilidad na gawin ito!" Sabi ni Zhang Xuan.
"I-ikaw…" Nanginig ang katawan ni Wei Changfeng.