Bilang gwardya ng isang master teacher, malinaw sa kanya ang katayuan at reputasyon ng tatlong mga master teacher sa kaharian. Ngunit, noong lumabas ang tatlong mga master teacher mula sa mansyon, tanging ang butler lamang ang makikitang naghatid sa kanila sa may pinto… hindi man lang lumabas ang peke na yun!
Totoo ba 'to?
Hindi ba't nagpunta kayo dito upang ibunyag ang pagbabalatkayo ng taong yun? Para pagkaguluhan niyo ang isang butler at magtambak ng mga regalo sa kanyang mga kamay… At tinawag niyo pa siyang 'Brother Sun', anong nangyayari?
Pakiramdam ni Ah Yun ay nagkakamali siya, maling-mali.
Posible kayang… Isa talagang master teacher si Yang Xuan?
Kanina na lang, ang lakas pa ng loob niyang sabihin na pumasok sa mansyon ang mga master teacher upang ibunyag ang pagpapanggap ni Yang Xuan sa harap ng lahat ng tao. Pakiramdam niya ay nahihilo siya nang makita niya ang sitwasyon.