"Ako?"
Masayang ikinuyom ni Sun Tao ang kanyang mga kamao. Tumalikod siya, at tumingin siya kay Zhang Xuan at sa isa pang kandidato. Nakaangat ang kanyang ulo at lumalabas sa kanya ang aura ng isang superyor na tao.
Pagkatapos niyang makalagpas sa unang dalawang bahagi ng pagsusulit, kumpirmado na ang pagiging apprentice niya.
Hindi niya pinansin si Sun Tao na puno ng paghanga sa kanyang sarili, nang marinig niya na hindi nabanggit ang kanyang pangalan, napasimangot si Zhang Xuan.
Hindi ito maaari.
Dalawang beses niyang tiningnan kung tama ba ang mga sagot niya gamit ang Library of Heaven's Path, kaya imposibleng magkamali siya. Bakit siya bumagsak?
"Mga Master Apothecary, maaari ko bang malaman kung saan ako nagkamali?"
Dahil hindi niya maitago ang kanyang pagdududa, lumapit si Zhang Xuan.