Tải xuống ứng dụng
2.57% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 58: Paano Niya Nagawa Yun?

Chương 58: Paano Niya Nagawa Yun?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Kanina lang nang makita ni Zhang Xuan ang itinago niyang pera, nataranta siya, ngunit ang ipinakita niya kanina ay hindi lahat totoo. Subalit, ang takot na makikita sa mukha niya ngayon ay totoong totoo. Kinilabutan ang buong katawan niya, na halos manigas na siya na parang isang snowman.

Hindi nakapagtatakang nakilala siya ni Zhang Xuan. Kunsabagay, maituturing siyang isang serial offender na tinutugis ng batas, kaya palaging may posibilidad na may isang taong makakahalata sa pagpapanggap niya.

Subalit… Ang tungkol sa pagsasanay niya sa Voice of Allurement ay isang bagay na kahit si Lao er at ang iba pa ay walang kaalam-alam. Higit pa dito, hindi niya sinubukang ipaalam ang tungkol dito sa ibang tao, kaya paano ito nalaman ng taong 'to?

Ito ay isang secret manual na pinaghirapan niyang makuha. Itinago niya ang tungkol dito sa kailaliman ng kanyang puso, at maipagmamalaki niya na walang sinuman sa buong mundo ang nakakaalam ng sikreto niyang ito. Ngunit, nalaman ito ni Zhang Xuan. Halos mamatay siya sa sobrang takot at gulat na nararamdaman niya.

Maraming klase ng mga secret manual. Mayroong para sa physical body, mga battle technique, mga cultivation technique… Subalit, karamihan dito ay madaling mahanap. Kung pag-uusapan ang tungkol sa mga pinakamahalagang secret manual sa buong kaharian, malamang, ang makakakuha ng posisyong ito ay ang mga secret art na nakakaapekto sa isipan ng ibang tao.

Ang Voice of Allurement ay isang low-tier payche secret art. Subalit, kahit na gaano pa ito kababa, ito ay isa pa ring pag-atake sa isipan ng iba. Sa oras na gamitin ito, kahit na gaano pa kalakas ang isang tao, kung hindi sila handa, mahuhulog sila sa kapangyarihan nito. Dati, nahuli siya ng isang Fighter 7-dan expert, ginamit niya ito para kumbinsihin ang nakahuli sa kanya na huwag siyang patayin at pakawalan na lamang siya.

Ang dahilan kung bakit sinadya niyang magmakaawa para sa buhay niya ay para makumbinsi niya si Zhang Xuan gamit ang secret art na ito.

Hindi niya inasahan na bukod sa hindi tinatablan ng mga panlilinlang niya si Zhang Xuan, tila alam din niya ang lahat, na para bang walang makakatakas sa kanyang paningin. Sa harap ni Zhang Xuan, pakiramdam niya ay humuhulas lahat ng kanyang pagpapanggap, at parang nakahubad siya sa harap niya, wala man lang kahit anong nakatakip sa kanya. Paano namang hindi siya mababahala sa nangyayari?

Kung takot na siya kanina, ngayon, nakakaramdam siya ng matinding takot at pangingilabot.

"Hindi mo na kailangang alamin pa kung paano ko nalaman ang lahat ng 'to, kailangan mo lang malaman na hindi lang ito ang mga bagay na alam ko. Ang iyong mingmen at iba pa, alam ko din ang mga yun! Bubuhayin kita, pero simula sa araw na 'to, kapag nalaman kong nanloloko ka pa rin ng ibang tao, o nananakit ka ng ibang tao, kamatayan lang ang naghihintay sayo!"

Tumigil siya, sinipa ni Zhang Xuan ang katawan ni Master Mo Yang.

Kacha!

Narinig niya ang tunog ng isang nabasag na itlog. Nakaramdam si Yang Mo ng isang pagsabog mula sa kanyang dantian, at ang lakas na nakuha niya mula sa ilang taon ng kanyang pagku-cultivate ay naglaho.

Dahil wala siyang lakas, hindi siya magtatangkang manloko ng ibang tao kahit na gustuhin pa niya.

"Ang cultivation ko…"

Nang maramdaman niyang naglalaho ang kanyang lakas, napuno ng galit si Yang Mo, ngunit hindi na niya tinangkang atakihin pa si Zhang Xuan.

Masyadong nakakatakot si Zhang Xuan. Hindi siya tao, demonyo siya.

Paano naman niya tatangkaing kumawala kung kaharap niya ang isang demonyo na sumira sa kanyang dantian at sinira ang kanyang cultivation.

"Alis na!"

Pagkatapos niyang makuha ang kanyang pera at pagkatapos niyang turuan ng leksyon ang manlolokong si Yang Mo, naglakad na pabalik sa akademya si Zhang Xuan.

Si Yang Mo ay isang manloloko lamang, hindi niya kailangang dungisan ang mga kamay niya para sa taong iyon.

Ala una na ng madaling araw nang makabalik siya sa kanyang dormitoryo.

Ngunit, hindi man lang napagod si Zhang Xuan.

Maraming bagay ang nangyari ngayong gabi, sunud-sunod ang mga pangyayaring hinarap niya. Kung hindi dahil sa napakadayang Library of Heaven's Path, malamang ay hindi na niya alam ang gagawin niya sa dami ng mga nangyari kanina.

"Titingnan ko nga kung maaayos ko ang mga Fighter 6-dan cultivation technique manual na nakuha niya kay Master Lu Chen!"

Kanina, masyado siyang abala sa pagku-cultivate ng Heaven's Path Golden Body, kaya hindi pa niya nabasa ng maigi ang mga Fighter 6-dan cultivation technique na nakuha niya. Ngayong wala na siyang ginagawa, magandang pagkakataon ito para pag-aralan ang mga ito.

Di nagtagal, nasala na niya ang tamang cultivation method mula sa ilang secret manual na nakuha niya. Ngunit, nang basahin niya ito, pakiramdam ni Zhang Xuan ay sasabog ang kanyang ulo.

"Hindi sila magkakatugma… Kung gagamitin ko 'to para magcultivate, siguradong magwawala ang cultivation ko at mamatay ako!"

Napailing na lamang si Zhang Xuan.

May nakuha man siyang ilang mga secret manual, pero masyado pa ring marami ang mga mali dito. Kahit na kunin pa niya ang mga tamang paraan mula sa mga ito, hindi pa rin siya makakabuo ng isang kumpletong cultivation technique. Sa katunayan, mas maraming kulang sa mabubuo nitong cultivation technique, kaya imposibleng magamit ito sa pagku-cultivate.

"Kalimutan ko na nga yun. Kailangan makahanap ako ng paraan para makakuha ako ng iba pang mga manual!"

Kahit alam niyang hindi niya magagamit ang cultivation technique, hindi nataranta si Zhang Xuan. Sa halip, muli siyang nagcultivate sa tatlong naunang dan na ginawa ng library. Natulog lamang siya nang masiguro niyang nagsama-sama na ang kanyang cultivation.

...…...

Hindi alam ni Zhang Xuan na noong mga panahon na nagpunta siya sa market para bumili ng mga gamit, sa loob naman ng akademya, halos sumabog na ang bakuran ni Elder Shang Chen.

"Lolo, kailangan niyong pagbayaran ang mga nangyari sakin!"

Tumulo ang luha at sipon sa kanyang mukha, abot hanggang sa kalangitan ang iyak ni Shang Bin.

Bilang apo ng isang elder, pinanganak siya na may gintong kutsara sa kanyang bibig. Higit pa dito, iginagalang siya ng lahat. Pero, naranasan niya ang lahat ng hirap na hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya ngayong araw. Isang himala na nga na hindi pa siya nababaliw.

Nang sinubukan niyang guluhin ang isang tao, sinugod siya ng isang baliw at pinagbubugbog siya nito. Noong lumabas naman siya para maghapunan, nakita niya ang kanyang diyosa na masayang kumakain kasama si Zhang Xuan… Matatanggap pa sana niya na pumalpak ang plano niya at kung naipahiya niya ang sarili niya, pero…

"Lolo, hindi ba sinabi mo masunurin 'tong Sky Shattering Lion? Inutusan ko 'to na turuan ng leksyon ang walang kwentang Zhang Xuan na yun, pero bukod sa hindi ito sumunod sa utos ko, binugbog pa ako nito…"

Habang naiisip niya ang nangyari, lalo lang siyang nagalit. Sa oras na ito, naluha si Shang Bin.

Ang Sky Shattering Lion sa harap niya ay ginagamit ng kanyang pamilya, pero, ganitong pagkakataon, bukod sa hindi nito sinunod ang mga utos niya, tinulungan pa nito ang ibang tao para atakihin siya… Halos sabunutan niya ang kanyang sarili kapag naaalala niya ang tungkol dito.

"Madalas naman masunurin 'to…" Nakaramdam ng hiya si Shang Chen. Nagtataka siyang tumingin sa Sky Shattering Lion sa harapan niya.

Isa lang siyang normal na beast tamer, at ang kakayahan niya sa larangang ito ay hindi naman ganun kagaling. Kahit na mapaamo pa niya ang mga savage beast, kaya lang niyang makisalamuha sa mga ito bilang kapantay nila at hindi bilang master nila.

Ito ang dahilan kung bakit walang pakialam ang Sky Shattering Lion sa kanyang mararamdaman at hindi nagdadalawang-isip sa tuwing may gusto itong gawin.

Subalit… Kahit na anong mangyari, magkaugnay silang dalawa. Pagkatapos niyang pakiusapan ito para protektahan ang kanyang apo, bakit naman ito… pinakinggan ang mga salita ng ibang tao at inatake si Shang Bin?

"Roar!"

Nang mapansin niya si Shang Bin, itinaas ng Sky Shattering Lion ang kanyang ulo at tila ipinagmamalaki nito ang kanyang ginawa.

Nang makita niya ang itsura ng Sky Shattering Lion, muling nakatanggap ng 10000 damage si Shang Bin sa kanyang kalooban.

[Noong kasama 'to ni Zhang Xuan, dinilaan nito ang kanyang kamay ng magiliw at paggalang, parang isang aso. Pero ngayon, napakayabang nito na parang isang hari… Ano 'to, si lolo ko ba ang amo mo o si Zhang Xuan?]

"Ehem ehem, kukumbinsihin ko ang Sky Shattering Lion pagbalik ko." Nang makita niyang ganito ang inaasal ng alaga niya, ayaw nitong makipag-usap ng maayos sa kanya, namula ang mukha ni Elder Shang Chen at pinagwalang bahala na muna ang nangyari.

"Lolo, kailangan mong turuan ng leksyon ang Zhang Xuan na yun para sakin. Mas maganda kung mawawala sa kanya ang kantang lisensya sa pagtuturo at kung mapapatalsik siya sa akademya!"

Dahil alam niyang magkapantay ang kanyang lolo at ang Sky Shattering Lion sa kanilang kasunduan at hindi niya ito matuturuan ng leksyon, hindi na nag-aksaya ng panahon si Shang Bin tungkol dito at nagngitngit ang kanyang mga ngipin, at ibinaling ang atensyon kay Zhang Xuan.

Isang basura na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination ay ipinahiya siya at nag-iwan ng napakaraming sugat sa kanyang katawan, dahilan para muntik na siyang mamatay. Ang galit niya ay hindi kayang alisin kahit na ng isang rumaragasang ilog!

"Huwag kang mag-alala, aayusin ko ang tungkol dito! Pero ang Zhang Xuan na 'to, walang nakakaalam kung anong klaseng swerte ang meron siya, sa katunayan nagawa niyang makakuha ng limang estudyante. Kung walang sapat na dahilan, kahit ako, mahirap na patalsikin sa akademya ang isang rehistradong teacher!"

Ang sabi ni Elder Shang Chen.

Dahil rehistrado siya sa Teacher Guild ng kanilang lugar, maituturing na isang pormal na teacher si Zhang Xuan. Kahit na isa siyang elder sa akademya, at bilang pinuno ng Education Bureau, hangga't walang mabigat na kasalanan si Zhang Xuan, wala siyang karapatan na patalsikin ang binata.

Habang umiiling siya, bigla siyang nagtaka.

Bilang isang tao na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, inisip ng lahat na imposibleng piliin siya ng kahit sinong estudyante para maging teacher nila. Pero, kabaligtaran ng inaasahan nila, bukod sa kinilala siya ng mga estudyante, mayroon siyang limang estudyante. Higit pa dito, ang ilan sa kanila ay kabilang sa mga estudyanteng nakakuha ng mataas sa pagsusulit!

Walang maniniwalang posible ito kung hindi nila ito nakita ng personal.

Sa katunayan… kahit na nakita niya ang mga resultang naitala ng Education Bureau, hindi pa rin siya makapaniwala.

[Ang taong ito… paano niya nagawa yun?

Hindi ito makatwiran, di ba?]


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C58
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập