Tải xuống ứng dụng
1.32% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 30: Ang Ikinagulat ni Shen Bi Ru

Chương 30: Ang Ikinagulat ni Shen Bi Ru

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Nagbabasa ng maayos?" Namula sa sobrang galit ang mukha ni Elder Mo. "Hindi ka man lang nagsusulat at pasimple mo lang na pinapalipat-lipat ang mga libro. Sabihin mo nga sakin, sino bang nagbabasa ng kagaya mo?"

"Kailangan ba laging magsulat para maintindihan yung libro?" Ngayon lang naintindihan ni Zhang Xuan kung bakit siya nagagalit. Wala siyang maisagot. 

Sa kanyang nakaraang buhay, isa siyang librarian at kahalintulad rin ito ng trabaho ni Elder Mo. Pero doon, hindi ka nila pipigilan at hahayaan ka nilang gawin ang gusto mo, kahit kumain at uminom ka pa, basta mayroon kang borrowing pass. Pwede mong gawin kahit na ano basta huwag ka lang papatay o huwag mo lang sunugin ang buong lugar!

Noong una, akala niya ay pinapahirapan siya ni Elder Mo dahil sa nakuha marka sa Teacher Qualification Examination ng dating Zhang Xuan. Tapos ito lang pala ang dahilan!

"Ang mga libro rito ay mga pinaghirapan at bunga ng dugo at pawis ng mga dating miyembro ng akademya. Kung di ka nagpunta dito para mag-aral, wag mo tong hawakan! Sa mga pinaggagagawa mo kanina, ano pa bang tawag dun maliban sa paggawa ng gulo?!" Galit na sabi ni Elder Mo.

"Ako ay… Sige, kung sa tingin mo ay gumagawa lang ako ng gulo, eh di yun na lang ang isipin niyo!"

Gusto sanang magpaliwanag ni Zhang Xuan, pero matapos niyang pag-isipan itong mabuti, umiling na lang siya at hindi na ito ipinagpatuloy.

Hindi dapat malaman ng iba ang tungkol sa Library of Heaven's Path. Ibig sabihin rin nito ay hindi niya maipapaliwanag ang dahilan sa likod ng mga ikinilos niya kanina.

Dahil di na rin naman siya pupunta rito, hindi na niya kailangang magpaliwanag pa. Masama na rin naman ang reputasyon niya, wala na siyang pakialam kung marumihan pa itong muli.

"Buti na lang at inamin mo! Lumayas ka!" Matinding galit ang nakikita sa mga mata ni Elder Mo. Hinawi niya ang kanyang kamay para palayasin si Zhang Xuan.

"Aalis na 'ko!"

Paalis pa lamang siya, nang biglang may humarang sa kanya. Hinarangan ni Shen Bi Ru ang kanyang daraanan, at sinabing, "Sandali lang!"

"Ano na naman 'yon?" Tinitigan siya ni Zhang Xuan. "Binasa mo ang libro mo at binasa ko rin ang akin. Malamang naman hindi kita nagulo?!

"Hmph!" 

Madalas kapag pinigilan niya ang isang tao ay matutuwa pa ito. Pero ang taong ito ay tinitigan lang siya ng may inis. Sumimangot si Shen Bi Ru, "Hindi ito tungkol doon. Di ba sabi mo binasa mo yung mga libro? Siguro naman sa tinagal ng pagbabasa mo ay maaalala mo ang mga nilalaman nito!"

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi sigurado si Zhang Xuan kung anong pinaplano ni Shen Bi Ru, at tumingin ng may pagdududa si Zhang Xuan sa kanya.

"Simple lang. Napansin ko na binasa mo ang "Eight Methods of Pill Refinement." Nagkataon lang na mayroon akong mga hindi naintindihan doon, kaya gusto ko sanang magtanong sayo. Siguro naman hindi mo ko tatanggihan?" tanong ni Shen Bi Ru.

Simple lang ang kanyang plano. Hindi ba kanina ay nagpapakitang gilas siya sa pamamagitan ng pagbuklat sa mga pahina ng mga libro?

Kaya naman, kung magtatanong siya tungkol sa libro at hindi niya ito nasagot, lalabas ang kasinungalingan niya!

"Eight Methods of Pill Refinement?" Biglang lumitaw ang libro sa isipan ni Zhang Xuan. Nabasa niya nga ang librong iyon. "Kung meron ka mang di naintindihan ay magtanong ka lang at sasagutin ko ito. Kaso nga lang, gutom na gutom na ko kaya pwede ba nating bilisan?"

"Ikaw…"

Itinikom ng mariin ni Shen Bi Ru ang kanyang mga kamao at halos mahimatay siya sa sobrang galit.

[Yung tono niya ay parang sa isang gurong pagod na sa kasasagot ng mga tanong ng mga estudyante.

Una sa lahat, maganda ako. Pangalawa, isa akong guro at isa sa mga pinakasikat sa akademya! 'Pag tinanong kita, malamang ay sinusubukan ko ang iyong galing. Bakit parang ang dating ay tinuturuan mo ko?

Ang lahat ay mayroong kanya-kanyang larangan na kinagalingan nila, kaya ang mga guro sa akademya ay madalas na nagtatanong sa isa't isa. Kaso, sa isang tulad mo na bagsak sa Teacher Qualification Examination, paano mo naisip na nagpapaturo ako sayo?]

Nagngitngit ang mga ngipin ni Shen Bi Ru sa pagtitimpi ng kanyang galit. "Kanina lang, may nabasa akong kataga: 'Kapag ang mga dahon ay nagkalat, mahihirapang mabuo ang pill! Kapag ito'y nagdikit-dikit, isang dilaw na pill ang mabubuo!' Napansin ko na ito'y pambihira at mahirap maintindihan. Maaari bang linawin ito ni Zhang laoshi para sakin?"

Nang sinabi niya ang salitang ''linawin', halos mabasag ang ngipin niya sa sobrang lakas ng pwersa na maririnig mo na rin ang tunog nito.

Bilang isang magandang babae, kung hindi lang para pahiyain si Zhang Xuan ay hindi siya manghihingi ng tulong sa isang basura.

"Gusto mo pa ring magtanong kahit na ganyan ang memorya mo...?" Hindi ito inaasahan ni Zhang Xuan. "Ang tunay na sabi sa libro ay 'Kapag nagdikit-dikit ang mga dahon, mahihirapang mabuo ang pill! Kapag ito naman ay nagkawatak-watak, isang dilaw na pill ang mabubuo!' Simple lang ang ibig sabihin nito. Sa paggawa ng pill, sa oras na nagdikit-dikit ang mga katas o pulbos nito, imposibleng mapaghalo ang mga bisa nito. Pero kung ang mga materyales naman ay watak-watak at pinaghalong maigi, ang pill na mabubuo ay parang dilaw ng itlog!"

Pagkatapos niyang basahin lahat ng libro sa Compendium Pavilion, nagawa niyang maalala ang tamang paggawa ng pill nang ganoon kadali. Pwede niyang mapahiya ang iba sa ganyang tanong, pero siya? Malabo!

Ang malala pa roon… Mali pa yung tanong niya! Ang baba ng standards niya!

"Oh, hindi ka makasagot, ano?! Ah… Anong sabi mo?"

Akala niya ay hindi siya makakasagot sa kanyang tanong. Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na makakasagot si Zhang Xuan ng ganoon kadali. Ang mga magagandang mata ni Shen Bi Ru ay halos lumuwa sa sobrang gulat. 

Sinadya niyang ibahin ang kataga para magkamali siya ng sagot. Para sa kanya, nagmamayabang lang ang taong ito sa Compendium Pavilion at hindi niya talaga naiintindihan ang mga libro. Kung bigla siyang magsabi ng tungkol sa mga librong iyon, maliligaw siya!

Kaya iniba niya ang tanong para magmukha siyang katawa-tawa! 

Pero sinong makakapagsabi na… makikita niya ang mali sa tanong at nabigay pa niya ang pinakatamang sagot!

[Paanong… Paanong nangyari yon?]

Hindi kaya naalala niya talaga ang kabuuan ng "Eight Methods of Pill Refinement" sa ganoong paraan lang?

Pero imposible yon!

Siya lang ang guro na nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination. Paano siya naging maalam sa mga bagay gaya ng pill refining?

"Sige, meron pa ba kayong tanong?" Minadali siya ni Zhang Xuan habang hinihimas ang kanyang gutom na tiyan.

"Meron pa!" Nakabawi agad si Shen Bi Ru mula sa kanyang pagkagulat at nagtanong muli, "Meron pang isang kataga na hindi ko maintindihan. 'Sa pagsasala at paghihinang ng bakal sa apoy, huwag itong paghahaluin hangga't hindi ito puro!'"

Pagkatapos niyang magsalita, ngumiti siya habang hinihintay ang kanyang reaksyon.

Ang una niyang tanong ay tungkol sa pill refinement samantalang ito naman ay isang kataga tungkol sa metal forging. Nakita niya ito sa isang sinaunang libro. Hindi niya ito naintindihan kahit na pinag-aralan niya ito ng isang buwan. Nagawa niya lang itong maintindihan nang nagtanong na siya sa isang bihasang panday!

Sa una, gusto lang niyang mapahiya si Zhang Xuan bilang ganti sa ginawa niya. Kaso, hindi niya inaasahan na maipapaliwanag niya ang ibig sabihin ng mga salita sa Eight Methods of Pill Refinement!

Nabuhay ang kanyang pagiging palaban na naging dahilan ng paglabas niya ng napakahirap na tanong para wala siyang masagot.

"Ah…"

Nagulat si Elder Mo nang masagot ni Zhang Xuan ang unang tanong. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin siya napabilib.

Ang Eight Methods of Pill Refinement ay isang pasimulang libro na kailangang matutunan ng kahit sinong baguhang apothecaries, katulad ng Hongtian Nine Dan para sa mga cultivators. Kahit hindi ka mag-aral ng pill refinement, maaari pa ring maging pamilyar ka sa mga ilang bagay tungkol dito.

Nang binigay ni Shen Bi Ru ang pangalawang tanong, napahinto siya. Dahil kahit siya ay hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.

"'Sa pagsasala at paghihinang ng bakal sa apoy, huwag itong paghahaluin hangga't hindi ito puro!'" Nang akala na ng dalawa na hindi siya makakasagot, biglang umiling si Zhang Xuan at tumingin kay Shen Bi Ru na para bang nakatingin siya sa isang tanga. "Ano bang mahirap maintindahan sa mga salitang to? Ang sinasabi lang nito ay kapag nagpapanday ka ng mga armas, kailangan mo munang salain itong maigi sa apoy nang matanggal ang lahat ng mga di kailangan. Pagkatapos lang nito ay doon mo lang mahahalo ang mga materyales ng maayos! Pwede bang magtanong naman kayo ng mas mahihirap na tanong? Madali lang naman maintindihan ang mga to kapag nagbabasa ka ng mga libro!

"Huh…"

Nanginig ang katawan ni Shen Bi Ru.

Kailangan niya pang magtanong sa napakaraming tao para lang malaman ang sagot sa tanong na ito. Pero nakaya niyang maipaliwanag ang kasulatan na ito ng ganoon kadali. Ito ay...

Hindi lang siya, pati si Elder Mo ay muntik himatayin sa sobrang gulat.

Para masagot ni Zhang Xuan ang tanong na iyon, ibig sabihin ba nito ay… seryoso talaga siyang nagbabasa ng mga libro kanina?

"Zhang Xuan laoshi, medyo mali ang iyong sagot. Sa pagkakaalala ko ay may eksplanasyon ito sa "Discussions of Miscellaneous Disputes" na iba sa iyong mga sinabi. Sinasabi nito na kung gusto mong maglagay ng isang materyal na bakal sa isang pill, kailangan mo muna itong salain, dahil kung hindi ay hindi sila maghahalo!"

Sa pagkagulat ay nagsalita si Elder Mo.

"Mali ang pagkakaalala mo, walang ganong kataga sa "Discussion of Miscellaneous Theories" na sinulat ni senior Liu Ze. Merong kataga na kahalintulad nito, pero ang nakasulat dito ay 'Kapag nagsasala ng bakal kasama ng isang pill, huwag mo silang paghaluin ng hindi ito puro,' at hindi ang pagsasala ng bakal sa apoy!"

Kumumpas si Zhang Xuan.

Hindi niya alam na sinusubukan pala siya ng dalawa. Iniisip niya talaga na hindi nila maaalala ng maayos ang laman ng libro, kaya nagpatuloy siya, "Oh, ang librong yon ay nasa sulok ng ika-siyam na hilera sa Compendium Pavilion. Ang mga salitang yon ay nakasulat sa ika-apatnapu't siyam na pahina! Para naman sa tanong ni Shen laoshi, kung nangangamba ka sa sagot ko, pwede mong basahin ang "Three Arts of Fire Crafting" na iniwan ni senior Du Qu. Nasa sulok ito ng ika-labing limang bookshelf at ang paliwanag nito ay nakasulat sa ika-dalawampu't apat na pahina!"

"Titignan ko!"

Tinitigan siya ni Shen Bi Ru ng may pangamba. Nagmadali siyang bumalik sa Compendium Pavilion at saglit lang ay hawak na niya ang dalawang libro: ang 'Discussion of Miscellaneous Theories' at ang 'Three Arts of Fire Crafting.' Paglipat niya sa sinabi niyang pahina, napaluhod siya at halos himatayin sa kanyang kinatatayuan.

[Maiisip mo ba yon… na parehong-pareho ang sinabi ni Zhang Xuan, wala man lang kahit konting pagkakamali!

Hindi lang niya basta naaalala ang laman ng mga libro, naaalala niya rin kung saang libro ito nanggaling, pati kung saan ito nakalagay at saang pahina ito?

Totoo ba 'to?]


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C30
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập