Maraming kumakalat na balita tungkol sa walang kwentang guro na iyon. Bago pa man dumating sa akademya, marami na silang narinig tungkol kay Zhang Xuan at halos magkaroon na sila ng kalyo sa mga tainga nila sa dami na kanilang naririnig.
Sabi ng iba wala siyang alam at mali ang kanyang itinuturo sa mga estudyante!
Sabi rin ng iba hindi daw niya alam kung paano mag-cultivate at wala siyang kahit anong nalalaman sa martial arts. . .
At marami pang iba't ibang paninira sa kanya ang narinig nila!
Hangga't isa kang estudyante, mas mabuting iwasan mo siya. Huwag kang sasama sa taong ito, kung hindi, maaring mawala ka sa katinuan. O masmalala pa, maaaring mamatay ka sa mga kamay niya!
Noong dumating ang magkaibigan sa akademya upang maghanap ng magiging guro nila, narinig din nila ang mga balitang ito. Nag-ingat silang mabuti mula nang dumating sila sa akademya ngunit hindi nila inaakalang ang kamangha-manghang eksperto na kaharap nila ay ang maalamat na basurang usap-usapan sa buong akademya!
"Guro, kung talagang napakahusay mo, bakit. . ."
Hindi mapigilan ni Zheng Yang ang magtanong. Kahit na saglit pa lang sila magkakilala, alam ni Zheng Yang na mayroong hindi masukat na galling at kakayahan ang teacher na si Zhang Xuan. Ang lahat ng kanyang galaw at ipinakita sa kanila ay maganda at elegante. Paano naman siya naging basura?
"Maraming tao sa mundo ang inggit sa mga taong may talento. Ang mga ganitong bagay ay bale wala lang!"
Tumingin paitaas si Zhang Xuan at kitang-kita ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mga mata, na parang bang nagluluksa siya dahil hindi siya maintindihan ng buong mundo.
Ang emosyon ng kanyang mukha ay pawang kalungkutan lamang, ngunit sa loob niya, kung anu-ano na ang pinagsasabi niya.
Kung hindi dahil sa Library of Heaven's Path, kung titignan kung anong klaseng tao ang dating Zhang Xuan, nakakagulat na talaga kung hindi siya makakuha ng negatibong score. Ang marking zero. . . ay mataas na para sa kanya!
"Nakahanda akong linisin ang reputasyon mo teacher!"
Nang makita ang 'kalungkutan' at 'pagkadismaya sa mundo' ng kanyang teacher, nadala si Zheng Yang ng kanyang damdamin at hindi napigilang magsalita.
"Ayos lang iyon, hindi mahalaga ang reputasyon ko. Hangga't nagsasanay ka ng mabuti, magiging masaya na ako. Kunin mo na ang iyong identity token para makuha mo na ang mga gamit mo. Pumasok ka sa klase ko bukas, at siguraduhin mong hindi ka mahuhuli!"
Dahil sa pag-arte ni Zhang Xuan, mukhang tuluyan na niyang nakuha ang loob ng estudyante. Tumango si Zheng Yang.
"Opo!"
Hinila ni Zheng Yang si Mo Xiao at sabay silang naglakad palabas ng silid.
"Apat na estudyante!"
Nang makitang nakaalis na ang dalawa, nagningning ang mga mata ni Zhang Xuan sa sobrang tuwa.
Ang dalagang si Wang Ying, ang estudyanteng napanalunan niya sa pustahan na si Liu Yang, ang aroganteng si Zhao Ya at ang henyo sa paggamit ng sibat na si Zheng Yang.
Noong una, akala niya ang araw na ito ay magiging katulad lang ng dati, na hindi siya makakuha ng kahit isang estudyante lang at matatapos ang kanyang araw na puro kabiguan. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng apat na estudyante!
"Kapag wala na akong identity token, kahit na may dumating pang mga estudyante, hindi na ako maaaring tumanggap pa ng mga bagong estudyante. Dapat siguro kumuha na ako ng dagdag na mga token habang may oras pa ako!"
Matapos niyang maging emosyonal dahil nagkaroon siya ng apat na estudyante, naisip ni Zhang Xuan na ubos na ang token na hawak niya.
Ang bagay na ito ay ibinibigay ng akademya. Dahil sa kanyang pangit na reputasyon, apat lang ang ibinigay sa kanya ng guro na namamahala sa pagbibigay ng mga token. Inisip pa nga ng guro na iyon na hindi magagmit ni Zhang Xuan ang lahat ng token na binigay niya. Kapag hindi siya kumuha ng dagdag na token, kahit na marami pa ang estudyanteng pumunta sa kanya, hindi na siya maaaring kilalanin ng mga ito bilang guro!
Nilalaman ng token na ito ang impormasyon tungkol sa isang guro. Kapag tinanggap ng estudyante ang token sa pamamagitan ng pagpatak ng dugo dito, ibig sabihin lamang nito na kinikilala na nila ang isang guro bilang kanilang tagapayo. Sa kabilang banda, kapag naisip nilang ayaw na nilang magpatuloy sa pagtuturo ng isang guro, kinakailangan lang ng guro na patakan ito ng dugo niya at ang impormasyon tungkol sa estudyante ay mabubura na.
Tumayo siya at naglakad palabas ng silid aralan. Napaka-tindi ng sikat ng araw at tumatagos ang matinding init sa lilim ng mga puno, kaya naman maraming tao ang pinagpapawisan.
Kitang-kita ang saya sa mga mata ng mga freshmen at mga senior students na naglalakad sa pasilyo ng akademya.
Dahil sa pagpunta sa isang panibagong lugar at sa pagkakaroon ng isang guro, halatang tuwang-tuwa ang mga freshman. Sa kabilang banda, nang maisip na maraming bagong estudyante ang darating na pwede nilang paglaruan, napangiti din sa tuwa ang mga senior.
Habang naglalakad sa pasilyo, nakita ni Zhang Xuan ang isang malaking gusali. May dalawang higanteng salita ang nakapaskil sa board na nasa gitna ng gusali, 'Logistics Building'!
Dito sa gusaling ito kinukuha ang mga token na sumasalamin sa pagkatao ng isang guro.
"Aba, sino ito? Hindi ba't ikaw ang aming 'star teacher'? Para bisitahin ako ng isang guro na walang makuhang estudyante, ano naman ang kailangan mo? Teka, huhulaan ko, wala ka bang nagamit sa mga identity token, kaya pumunta ka ditto para ibalik ang mga iyon sakin!"
Narinig niya ang isang nang-aasar na boses habang papasok siya ng gusali.
Inangat ni Zhang Xuan at nakita niya ang isang matabang lalaki.
Ang taong ito ay may bigat na aabot sa halos 300 hanggang 400 kilo. Kung titingnan mula sa malayo, mukha siyang higanteng bolang gawa sa karne.
"Qian Bao!" Lumitaw ang isang pangalan mula sa kanyang mga alaala.
Itong si Qian Bao ay isa sa mga guro na namamahala sa logistics. Isa siyang nakakainis na taong mahilig makisalo sa pagmamay-ari ng ibang tao. Bilang isang guro na nasa pinaka-mababang antas, maliit lang ang sinasahod ni Zhang Xuan at kakaunti lamang ang natatanggap niyang mga kagamitan. Kaya naman, hindi siya nirerespeto ni Qian Bao.
Dahil dito, sumama ang loob sa kanya ni Zhang Xuan. Sa sandaling magkita sila, kung anu-anong pang-aasar at panlalait ang naririnig.
Siya ang may kagagawan ng pagbibigay ng apat na identity token kay Zhang Xuan dahil iniisip niyang hindi rin naman magagamit ang mga ito.
"Naubos ko na ang mga identity token ko. Gusto ko sanang kumuha ng ilang token pa!" Kalmadong nagsalita si Zhang Xuan.
"Naubos mo na lahat?" Sandaling napatigil si Qian Bao bago bumunghalit ng katatawa.
"Haha, makinig kayong lahat, tingnan niyo ito. Ipinagyayabang ng pinaka-walang kwentang guro na to na naubos na daw niya ang mga identity token niya! Haha, ito ang pinaka-nakakatawang biro na narinig ko sa buong buhay ko. . ."
"Sa pagkakaalala ko binigyan mo siya dati ng apat na identity token! Ubos na lahat? Kalokohan!"
"Ang pangalawa sa pinaka-mahinang guro na si Sun Yan laoshi, ay mayroon lamang isang estudyante. Tapos, itong taong to na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, nagkaroon ng estudyante? Ano naman ang pinagyayabang mo?"
"Ihagis niyo siya sa labas. Ganun din naman, pagkatapos ng araw na to, tanggal na siya sa trabaho. . .
. . . . .
Nang marinig nila ang mga pinagsasabi ni Qian Bao, nagmadaling lumapit ang mga guro na nasa logistics branch. Tumingin silang lahat kay Zhang Xuan.
[Para sa isang guro na nasa pinaka ibaba at nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, anong naisip niya at nagyayabang pa siya? Magtatakbuhan palayo ang mga estudyante sa oras na marinig ang pangalan mo. Para kilalanin ka nila. . . anong kalokohan to?]
"Talaga? Sinasabi mong nagyayabang lang ako? Sige, bakit hindi tayo magpustahan?" Hindi nagalit si Zhang Xuan. Sa halip, ngumiti pa siya.
"Pustahan? Sige, tutal mukhang gustong-gusto mo na mapahiya, pagbibigyan kita. Duda akong may maipupusta ka, mahirap ka lang naman e!" Hindi inasahan ni Qian Bao na hahamunin siya ng pustahan ng taong nilalait-lait niya dati. Naiinis na ngumiti si Qian Bao.
"Hindi mo na problema kung mahirap ako o hindi. Tutal ako ang nag-umpisa ng pustahan na ito, handa akong ipusta ang isang bagay na kaya kong ibigay!" Iminulat ng maigi ni Zhang Xuan ang kanyang mga mata.
"Talaga? Mayroon kang bagay na maipupusta? Alam naman natin ang katayuan, malamang mga bulok na bakal o kung ano pang walang kwentang bagay lang ang kaya mong ipusta. Sa tingin mo ba tatang, makikipagpustahan ako sayo? Hindi ko ilalagay sa alanganin ang reputasyon ko para lang makipagpustahan sayo!" Ang sabi ng nanggagalaiting si Qian Bao.
Si Zhang Xuan ang guro na may pinaka-mababang level sa buong akademya, bukod pa rito, siya ang pinaka una mula sa ibaba. Hindi na nga siya makakuha ng kahit isang estudyante man lang, wala pa siyang natatanggap na mga bonus o kung ano pa. Kung itatanung mo kung sino ang pinaka-mahirap na guro sa buong akademya, siguradong si Zhang Xuan iyon.
Matipid siyang namumuhay araw-araw, pati na rin ang kagamitan niya sa cultivation ay kailangan niyang tipirin!
"Hehe!" Hindi natinag si Zhang Xuan ng mga panlalait ni Qian Bao. Natawa siya at nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang ipupusta ko ay hindi kayamanan o bagay. Ang ipupusta ko ay. . . ang aking mukha! Kapag natalo kita, sasampalin kita ng tatlong beses sa harap nilang lahat! Kapag ako naman ang natalo, papayagan din kitang sampalin ako ng tatlong beses! Papayag ka bang makipagpustahan sakin?"
"Sampalan ng mukha?"
Hindi niya inaasahan na iyon ang ipupusta ni Zhang Xuan. Hindi mapigilan ni Qian Bao na magdalawang-isip kung tatanggapin niya ang hamon ni Zhang Xuan.
Ang sampalin siya ng pinakawalang kwentang guro sa akademya, kapag natalo siya, hindi na niya gugustuhing mabuhay pa. Mahihiya siya ng sobra at mas gugustuhin na lang niyang mamatay.
"Ano na, payag ka ba o hindi?" Nginitian siya ni Zhang Xuan.
"Qian Bao, ano bang kinakatakot mo? Parang hindi mo naman alam kung ano ang kakayahan niya!"
"Kaya ba ng guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination na makakuha ng kahit isang estudyante? Panaginip niya lang yun!"
"Tinatakot ka lang niya. Kung nagawa niya man na makakuha ng estudyante, edi ibig sabihin nasa halos isang daan na ang estudyante ko ngayon, di ba? Kahit na bulag pa ang mga estudyante ngayong taon, hindi sila ganoong kabulag para tanggapin siya bilang guro nila!"
. . . . .
Ngumisi ang iba pang mga guro sa logistics branch.
Wala sa kanilang naniniwala na kaya ni Zhang Xuan na makakuha ng mga estudyante.
Kasing hirap ito ng pag-akyat ng isang baboy sa isang puno.
"Sige, payag na ako!" Nang maisip niyang may katotohanan ang mga sinabi ng ibang guro, tumango si Qian Bao at tinanggap ang hamon.
"Tutal lahat kayo ay tuwang tuwa sa nangyayari, gusto niyo bang sumali sa pustahan namin? At pupusta kayo ng gaya ng ipinusta niya?
Nang pumayag si Qian Bao, Tumingin si Zhang Xuan sa tatlo pang teacher na kabilang sa logistics branch.
Dahil pumayag na si Qian Bao sa pustahan, pumayag na ding sumali sa pustahan ang tatlong teacher na kanina pa nangmamaliit sa kanya.
"Bakit? Nangangati ba ang mukha mo kaya gusto mong sampalin ka naming ng ilang beses? Sige, payag ako!" Ang payabang na sabi ng isang teacher.
"Payag din ako!"
"Sino bang natatakot sayo! Para magyabang ka sa harap naming kahit nakakuha ka ng zero, gusto mo na bang mamatay!"
Tumango ang tatlo at ngumisi.
Para sa kanila, siguradong matatalo si Zhang Xuan sa pustahan nila, siguradong masasampal siya!