Tải xuống ứng dụng
86.1% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1345: Nagpunta ng Walang Paanyaya (3)

Chương 1345: Nagpunta ng Walang Paanyaya (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hindi nakapagtataka na ang angkan ng Spirit Soul ay winasak, ang kanilang ring spirit ay

napakahina!

Sa ganoong uri ng kakayahan sa pag-atake, ay hindi iyon halos papantay kay Little Lotus.

"Hinimatay na ito dahil sa takot?" tanong ni Little Lotus habang kinukurap ang mga mata, ang

mukha ay puno ng kamusmusan.

Bahagyang tumawa si Poppy. Hindi na siya mangaahas na tuksuhin si Jun Wu Xie ngunit…

"Maaring hinimatay ito ngunit nagagawa mo magpagaling ng mga bagay hindi ba? Halika,

kargahin mo ang munting bagay at tingnan mo kung gigising ito." Habang nagsasalita ito, ang

kamay ni Poppy ay hinatak ang babero ni Little Lotus at at mabilis na hinulog sa loob ang

hinimatay na dagang costa.

Ang malambot na mabalahibong bola ay dumulas sa kaniyang katawan at ang mukha ng

munting nilalang ay biglang namutla, na naging sanhi upang maglulundag ito habang

iwinawasiwas ang kaniyang mga paa, malakas na pumapalahaw sa pag-iyak.

Naramdaman ni Jun Wu Xie na tila sasakit ang kaniyang ulo at tinitigan si Poppy na masama

ang ngiti. Kalmado siyang naglabas ng isang bote ng serbesa mula sa kaniyang Cosmos Sack at

hinatak si Little Lotus, agad na ibinuhos iyon sa bibig ni Little Lotus na malawak na nakanganga

dahil sa malakas na pag-iyak.

Agad nagdilim ang mukha ni Poppy…

Matapos ang sampung minuto na away, si Poppy ay idiniin ni Drunk Lotus sa dingding at

bingyan ng isang maganda at malupit na hagupit bago natapos ang lahat.

"Ano ang gagawin natin sa dagang costa na ito?" Tanong ni Drunk Lotus na may mayabang na

ngisi sa mukha habang dinadampot ang dagang costa na pinaliit muli ang sarili sa isang bola at

nagtanong kay Jun Wu Xie.

"Kung mayroong ring spirit, kung gayon ay siguradong may to dito." Saad ni Jun Wu Xie

habang humihinga ng malalim. Ang mga walang kabuluhang gulo kanina ay walang saysay.

Ang katotohanan na nagpakita ang dagang costa dito ay halos pinatotohanan ang kaniyang

palagay noon na sa loob ng libingan ng Dark Emperor… ay may ibang tao!

At malaki ang posibilidad na ang taong iyon ay mula sa halos mawawala ng angkan sa Middle

Real, ang angkan ng Spirit Soul.

"Bakit hindi natin paslangin ang munting nilalang na ito at kapag nakatagpo natin ang

nagmamay-ari dito, atin itong…" Saad ni Drunk Lotus habang ginuguhit ang linya sa kaniyang

leeg. At naging dahilan iyon upang ang munting mabalahibong bola ay mangatog ng sobra.

Malinaw na naramdaman na nito ang makapal at matinding pagpaslang mula kay Drunk Lotus

at wala na itong taglay na lakas upang itklop pa ang sarili sa isang bola at sa halip ay nakahiga

lamang doon na nakaunat ang mga binti, habang walang pag-asa na nakatitig sa tahimik na si

Jun Wu Xie na hindi man lang nagsasalita.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang munting mabalahibong bola at biglang naisip ang tungkol sa mga

nilalang noon sa ospital para sa mga hayop kung saan ang mga dagang costa ay tumatakbo sa

kanilang mga kulungan at nanghihingi ng pagkain sa kanilang kaaya-ayang mga hitsura, kaya

mabilis napapalis ang anumang hangarin na pumatay.

Kung iyon ay naging mapanganib na kalaban, ay wala siyang pag-aalinlangan kahit bahagya,

ngunit ang maharap sa isang walang kalaban-laban na mabalahibong bola, ay wala siya maski

kaunting hangarin na paslangin ito sapagkat ang gawin ang bagay na iyon ay magdadala sa

kaniya ng pakiramdam na siya'y isang baliw na umaabuso ng mga hayop.

"Pakawalan mo." Matatag na sabi ni Jun Wu Xie.

"Ano? Pakawalan ito?" Nagulantang si Drunk Lotus na magdedesisyon si Jun Wu Xie ng

ganoon.

Saad ni Jun Wu Xie: "Wala tayong alitan laban sa Dark Regions at ang magpunta dito upang

nakawin ang mga kayamanan mula sa kanilang Dark Emperor ay isang kalapastanganan na sa

kanila. Hangga't maari, hindi ko na nanaisin na masangkot pa sa anumang alitan sa mga tao

mula sa Dark Regions. Higit pa doon… Ito'y inosente. Ngunit kung tayo'y mapaaway man sa

mga tao mula sa Dark Regions mamaya, kung gayon iyon ay kalaban. Sa ngayon, ayokong may

mangyaring masama sa bagay na iyan."

Si Jun Wu Xie ay may magandang impresyon sa Dark Regions at kung hindi dahil sa kanilang

kaligtasan, ay hindi niya pipiliin na nakawin ang mga kayamanan sa libingan ng Dark Emperor.

Kumpara sa Twelve Palaces, ang mga tao mula sa Dark Regions ay higit na mas nararapat sa

kaniyang paggalang.

At…

Hindi niya talaga iniisip na ang pagpapalaya sa isang munting "dagang costa" ay magdudulot

sa kanila ng karagdagang panganib. Kung sila'y darating sa dagok, ang kailangan lamang niya

ay iharap ang pusang itim sa harapan nito at ang munting dagang costa ay magiging isang

hindi nakakapinsalang bola muli.

Sa matatag na utos ni Jun WU Xie, walang paraan na suwayin ito ni Drunk Lotus at ang tanging

magagawa ay ibaba sa lupa ang dagang costa na nanginginig sa takot.

Tila napagtanto ng dagang costa na siya ay ligtas na at agad na inunat ang munting mga kuko

upang tumakbo palayo ng ilang metro.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1345
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập