Tải xuống ứng dụng
78.04% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1219: Nakakapanibago

Chương 1219: Nakakapanibago

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nakabawi sa pagod si Jun Wu Xie nang magising siya sa kaniyang pagkakatulog. Gaya ng dati ay magkakasama na ang grupo ngunit napansin niyang parang may kakaiba…

Nakangiti ng mapait si Rong Ruo, habang ang mga mata ni Fei Yan ay nakatuon lang sa babae.

Halatang-halata ito, maging si Qiao Chu na madalas hindi agad makaintindi ay nahalata iyon.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Tanong ni Qiao Chu. Ikinumpas nito ang kaniyang kamay sa harapan ni Fei Yan. Nagulat naman si Fei Yan at agad na binawi ang kaniyang tingin. Hindi ito sumagot kay Qiao Chu.

"Mayroon ba kayong nadiskubre sa ginawa niyong pag-iimbestiga?" Diretsong tanong ni Jun Wu Xie.

Si Fan Zhuo ang sumagot: "Nang makarating kami dito sa Condor Country, ang una naming plano ay imbestigahan ang Imperial City. Ginamit ni Rong Ruo ang kaniyang Hell Butterflies para magmasid sa paligid. Nawala ang Hell Butterflies ni Rong Ruo. Masasabing sadya iyong dinurog o pinatay ng isang malakas na pwersa."

Kakaiba ang Hell Butterflies ni Rong Ruo, pwede silang mag-isa, maghati, o maghati pa sa mas maraming piraso. Nagiging mas maliit pa ang mga ito at hindi sila basta-bastang mapapansin. Maliban na lang kung ang isang tao ay nagtataglay ng Purple Spirit, doon ay mararamdaman nito ang energy na nagmumula sa Hell Butterflies.

"Tingin ko ay mayroong taga All Dragon's Palace ang nandito sa Condor Country, partikular na sa Imperial Capital. Kaya hindi kami masyadong nagpapahalata. Tahimik lang kaming nag-oobserba sa mga bagay-bagay. Ilang kumboy din ang pumapasok dito mula sa ibang bansa, siguro ay nasa pito o walo na ang nakita naming kumboy galing sa iba't-ibang bansa. Iyon ang katanungang bumabagabag samin ngayon. At dahil sa mayroon ngang nariritong nagmula sa All Dragons Palace, tahimik lang kaming nagmamasid sa takot na baka makuha namin ang atensyon nila. Pero pinadala ni Rong Ruo ang kaniyang mga Hell Butterflies sa mga taga-ibang bansa na nagpunta at mayroon kaming nadiskubreng nakakapaghinala…"

Ang mga taga-ibang bansa ay tumutuloy sa lungsod at madalas silang maglabas-pasok sa Imperial Palace. Hindi na nagawang makapasok ng grupo sa Imperial Palace kaya naman sinigurado muna nilang walang taha All Dragons Palace ang naroon bago nila pinapasok ang Hell Butterflies.

"Nasa kadulo-duluhan ng Imperial City ang Palace. Ang mga bagay-bagay sa loob non ay nakakatakot." Magkasalubong ang kilay na sabi na komento ni Fan Zhuo. 

"Ang lugar na iyon ay maraming taong nakakulong...o sa tamang deskripsyon, mga taong wala sa sarili."

"Anong ibig mong sabihin?" Biglang nabahala si Jun Wu Xie.

"Mga bata pa ang naroroon. Nakakapagtaka lang na bata pa ang mga ito, ngunit batak na ang masel sa kanilang katawan. Parang hindi din nila alam ang nangyayari sa kanilang sarili, ang gusto lang nila ay ang umatake ng umatake. Maging si Qiao Chu ay mahihirapang iwasan ang mga ito. Mas mahina lang sila ng kaunti kay Fei Yan."

Hindi mailarawan ng maayos ni Fan Zhuo ang nakita nila sa loob. Halos hindi na tao ang mga naroon, para na silang mga halimaw.

May kani-kaniyang kulungan ang mga ito at madalas na umalulong. Maingay sila kaya naman ang mga katabing-bahay nito ay pinaalis. Sa Imperial Capital, bali-balitang ang lugar na iyon ay puno ng lagim kaya wala sinuman ang nangahas na pumunta doon. Mahigpit din iyong binabantayan ng mga sundalo ng Condor Country para masigurong walang makakapasok doon.

Ngunit iyon mismo ang dahilan kung bakit maraming delegado mula sa iba't-ibang bansa ang pabalik-balik sa lugar na iyon. Sila ay personal na inimbitahan mismo ng Emperor ng Condor Country.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1219
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập