Ang nagbabagang Purple Spirit ay nagliwanag sa ibabaw ng mga hukbo. Ang nakakabulag na
liwanag na iyon ay sumilaw sa lahat.
[Purple Spirit!]
[Iyon ay Purple Spirit!]
Ang lahat ay hindi makapaniwalang napatitig habang ang kanilang mga bibig nila'y
napanganga, nakatingin kay Jun Wu Xie na nababalot ng nagbabagang purple. Hindi pa nila
kailanman naririnig nag isang labinlimang taong gulang na bata na nagawang makamit ang
Purple Spirit!
Ang blue spirit ni Jun Wu Xie kanina ay nagpatigagal na sa lahat at bigla ay sinagad niya ang
kaniyang kapangyarihan at sumabog sa Purple Spirit!
Ang katotohanan na iyon ay dumurog na sa puso ng mga kalabang hukbo at mas lalong
nagpalubog dito, hinulog sa malalim na karimlan!
Subalit, ang sitwasyon ay hindi pa doon natatapos.
Matapos sumabog ng kapangyarihan ni Jun Wu Xie sa Purple Spirit, ilan sa kasama nito ang
agad nagpasabog ng kulay purple na liwanag na nasa kawan ng mga kawal !
Ang mga kabataan na napakatapang na lumusob sa ranggo ng mga kalaban ay biglang itinaas
ang kanilang spirit power level sa Purple Spirit!
Ang Purple Spirit na inaasam ng mga tao, isang hindi masukat na bundok na nabubuhay
lamang sa mga alamat ng mahabang taon, ngayon ay biglang nagpakita sa harapan nilang
lahat. At sa pagpapakitang iyon, ay anim sila na sabay-sabay!
Ang kawalan ng pag-asa ay tila mabigat na bumagsak sa bawat isang kawal ng tatlong bansang
magkakaanib. Hindi nila nagawang pantayan ang isnag blue spirit, ano ang magagawa nila
laban sa isang Purple Spirit, na nasa taluktok ng kapangyarihan!
Sunud-sunod na panaghoy mula sa karamihan ng mga kawal ang umalingawngaw sa paligid,
ang sinag ng liwanag ng Purple Spirit ang dumaan sa kanila, at nagdala ng kamatayan at
kawalang pag-asa.
Ang hukbo ng Fire Country ay mayroong kakaibang katapangan, kasama ng ilang Purple Spirits
na nagtulak sa kanila sa palalim sa karimlan, habang ang dalawang napakalaking Guardian
Grade Spirit Beast at ang hindi kapani-paniwalang lakas ng ring spirits ay tuluyang dinurog ang
kahuli-hulihang bakas ng katapangan sa nag-anib na hukbo ng tatlong bansa!
Naging isang panig na lamang sa battlefield, at sa loob ng madugong labanan, ang kalaban na
mga kawal na pumatay sa hindi mabilang na mga kawal ng Qi Kingdom, ang mga sumalakay at
nagnakaw sa hindi mabilang na mamayan ng Qi Kingdom, sa wakas ay nahulog sa lawa ng
dugo.
Ang kampo ng pagkakanib na hukbo ng tatlong bansa ay tuloy-tuloy na lumiliit, at ang
Commanders ng mga hukbo na napapalibutan ng mga kawal ay namutla ang mga mukha.
Nagawa nilang magtagumpay at hindi nila inakala na magdadanas sila ng malupit na pagkatalo
sa huling sandali!
Kung hindi dahil sa walang kaayusan na hukbo na pinaghalo-halo ng mamamayan ng Qi
Kingdom na humarang sa kanila at inubos ang kanilang oras, ay nagawa na sana nilang makuha
ang Imperial City ng Qi Kingdom bago nakarating doon si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao, at
napabagsak na ang Qi Kingdom. At kung hindi nakarating sa oras si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao
sa lugar na iyon, at bumagsak na ang Qi Kingdom, ay hindi sana masasagip ng hukbo ng Fire
Country ang Qi Kingdom.
Isang maling hakbang, at bawat hakbang na susunod ay mali na.
Ang gawa-gawang hukbo na iyon na minaliit nila ang nagligtas sa Qi Kingdom mula sa kawalan
ng pag-asa, at bumaliktad ang mga pangyayari, kung saan ang Qi Kingdom ay nagawang
makaakyat muli palabas sa karimlan at ang nahulog sa desperasyon ay ang tatlong
magkakaanib na bansa!
Sa pagpatak ng gabi, ang liwanag ng apoy ay nagpapula sa kalangitan. Sa battlefield, hindi
mabilang na walang-buhay na katawan ang nakaratay sa kung saan-saan, habang isang lawa ng
dugo ang umaagos sa ilalim ng paa ng lahat.
Ang hukbo na may bilang na halos tatlong milyon ay nasugpo sa loob ng kalahating araw. Hindi
malilimutan ninuman, na sa huling sandali ng laban, kung saan ay halos may bilang pa na
dalawang milyong kawal ang magkaanib na hukbo, si Jun Wu Yao na nakatayo lamang sa likod
ng labanan sa lahat ng oras na ito, na nakangiti at hindi nagsasalita, ay biglang itinaas ang
kaniyang kamay upang gawing isang dagat ng dugo ang battlefield sa isang saglit lamang. Isang
ambon ng dugo ang biglang sumakmal sa dalawang milyong kawal, at nag-iwan ng luray-luray
at gutay-gutay na mga katawan, at malapot na bakas ng dugo.
Hinhingal na nakatayo si jun Wu Xie sa dagat ng dugo, ang mga dugo na tumalsik sa kaniya ay
nangangapal na at dumadaloy pababa sa kaniya, ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay hindi
kakikitaan ng suklam o panghahamak, sa halip ay paglaya.
Itinaas niya ang kaniyang ulo at minasdan ang kalangitan na namumula dahil sa apoy na nasa
battlefield, nakasilip sa nakasabog na mga bituin na nagniningning sa itaas pati na sa
maliwanag na bilog na buwan.
[Ang paghihigante para sa Rui Lin Army, para sa Qi Kingdom, ay naisakatuparan na!]