Tải xuống ứng dụng
63.5% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 992: Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (3)

Chương 992: Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Anong walang kabuluhan ang binubuga mo dito!?" tanong ni Qing Yu, naniningkit ang mga

mata.

"Totoo man o hindi, ay hindi hahatulan dahil lamang sinabi mo." isnag malamig at

makapanindig balahibo na boses ang biglang narinig.

Lumingon sa kaniyang likod si Qing Yu at nagulat ng biglang makita si Jun Xie na hindi nila

napansin na naglakad palapit sa kanila.

"Young Master Jun, bakit ka…"

"Ah! Ikaw pala si Jun Xie!" nang mapagtanto ni Shangguan Yan na iyon si Jun Xie ay matinding

galit ang pumuno sa kaniyang dibdib. Kungdi dahil sa kakaibang Spirit Beast ng bata, paanong

ang anak niya ay napnsala ng Six Armed Black Ape!?

"Oo." walang pakialam na sagot ni Jun Wu Xie.

"Ibigay mo ang Spirit Beast mo ngayon din!" gigili na sabi ni Shangguan Yan.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kilay.

"At bakit?"

"Gumamit ka ng pandaraya sa Spirit Beast Arena! Ayon sa batas, kailangan namin patayin ang

iyong Spirit Beast!" panunuyang sabi ni Shangguan Yan.

Tinapunan siya ni Jun Wu Xie ng malamig na tingin at tinanong: "Anong pruweba?"

Sumagot si Shangguan Yan: "Ang iyong Spirit Beast ay hindi nagtataglay ng kahito anong

kakayahan ng pag-atake ngunit nagawang talunin ang ibang Spirit Beasts dahil lamang sa

tunog na ginagawa nito. Wala pang Spirit Beast na ganiyan ang nabuhay sa ilalim ng Heavens

kaya maaaring nagsagawa ka ng kakaibang paraan para mangyari ang bagay na iyon! Ang

Spirit Beast Arena ay mayroong patakaran at kami ay umaasa na susunod ka doon. Huwag mo

kaming pilitin na kumilos."

Kung magagawa lamang niya ay pipiliin niya na siya na mismo ang magpatumba kay Jun Xie.

Ngunit kasalukuyan siyang nasa Fiery Blaze Clan Hall at kung pupuwersahin nila na ilayo si Jun

Xie doon ay hindi ito papayagan ng Fiery Blaze Clan. Ngunit kung ang hihingiin niya lamang ay

ang Spirit Beast palayo, ang patakaran ng Spirit Beast Arena ay nasa likuran niya at

magkakaroon siya ng dahilan, at ang Fiery Blaze Clan ay hindi mang-aahas na tumaliwas dito.

At sa napakalamig na boses ay sinabi ni Jun Wu Xie: "Kung tama ang pagkakatanda ko, ang

Spirit Beast Arena ay palaging sinusuri ang bawat Spirit Beast na lumalahok sa mga labanan ng

ilang ulit. At sa parehong okasyon nang magtungo ako sa Spirit Beast Arena, ang aking Spirit

Beast ay dumaan sa mga pagsusuring iyon. At kung mayroong problema, hindi ba dapat ang

mga tao dapat mula sa Spirit Beast Arena ang makakaalam tungkol doon?"

Tila pinaghandaan iyon ni Shangguan Yan ng mabilis siyang sumagot: "Ang mga tao mula sa

Spirit Beast Arena ay siguradong hindi magkakamali tulad noon. Ngunit dahil sa ikaw ay dinala

doon ni Qing Yu, at si Qing Yu ang Deputy Clan Chief ng Fiery Blaze Clan, ang mga tao mula sa

Spirit Beast Arena ay natural lamang na makikilala kung sino siya. At sinumang dalhin niya

doon ay natural lang na hindi magdadaan sa malupit na pagsusuri."

Natawa si Jun Wu Xie. Totoong dinala siya ni Qing Yu sa loob ng Spirit Beast Arena ngunit ang

mga tao mula sa Spirit Beast Arena ay hindi nagpabaya ni kaunti sa pagsusuri na ginagawa

nila. Itong Shangguan Yan na ito ay halatang gumagawa lamang ng dahilan upang madispatsa

si Lord Meh Meh.

Ngunit…

Ganoon lang ba siya kadaling pakitunguhan?

"Maging ibang paraan man ang isinagawa ay hindi kwalipikado ang Icy Forst Clan na

imbestigahan iyon. Ang aking Spirit Beast ay bukas sa anumang hamo mula kahit kanino

simula sa araw na ito. Kung mayroon pang bumabagabag sa inyo ay maaari niyong tanungin

ang mga tao mula sa Spirit Beast Arena na suriing mabuti at mahigpit ang aking Spirit Beast sa

susunod na laban upang malaman kung mayroong mali dito. Nakakatawa lang na nais mo na

ibigay ko ang aking Spirit Beast dahil lamang sinabi mo. Walang karapatan ang Icy Frost Clan

na gawin iyan." bagamat hindi pa nagtatagal sa Thousand Beast City si Jun Wu Xie ay

nagkaroon na siya ng malinaw na pag-iintindi sa mga pamamalakad sa loob ng Thousand Beast

City.

Ang Spirit Beast Arena ay direktang nasa ilalim na saklaw ng Grand Chieftain ng Thousand

Beast City, si Qu Wen Hao, at kahit ang apat na Clan Chiefs mismo ay walang awtoridad na

maghimasok sa mga ugnayan ng Spirit Beast Arena.

"Ikaw!" hindi inaasahan ni Shangguan Yan na ang tagalabas ay may kaalaman tungkol sa

patakaran ng Thousand Beast City. Akmang magsasalita pa sana siya tungkol doon nang isang

malalim at baritonong boses ang dumagundong sa buong bulwagan.

"Ang Icy Frost Clan ay mas nagiging bastos sa pagbabalewala ng mga patakaran! Pangahas

nilang pinilit na pumasok sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall kasama ang mga tauhan nila ng

ganoon lamang! Iniisip niya ba na talagang patay na ang Clan Chief ng Fiery Blaze Clan!?"

madilim at nagbabanta ang mukha ni Xiong Ba habang galit na pumasok sa loob.

Naging abala siya sa mga bagay-bagay sa loob ng siyudad nang matanggap niya ang balita

mula sa mga kapatid niya sa clan, na nagsabi sa kaniya na ang mga tao mula sa Icy Frost Clan

ay nagtungo doon upang manggulo.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C992
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập