Tải xuống ứng dụng
53.45% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 835: Ang Pang-apat na Prinsipe (2)

Chương 835: Ang Pang-apat na Prinsipe (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nanatili si Lei Fan sa Imperial Palace at minsan lang lumabas. Kung lalabas man ito, lagi itong may kasamang guwardiya katulad ngayon.

Magkakrus ang mga braso ni Jun Wu Xie at kalmadong minamasdan ang si Lei Fan. Simula nang magsimula ang Battle Spirit Tournament, ngayon lang nagpakita ang Fourth Prince ng Yan Country. Kahit noong si Lei Chen ay naging host para sa salu-salo ng mga contestant. Hindi nagpakita noong araw na iyon si Lei Fan kaya naman gulat ang lahat sa biglang pagpapakita niya dito ngayon.

Ang punong abala sa first battle district ay agad na lumapit upang batiin espesyal na bisita. Alam ng lahat na paborito ng Emperor ang Fourth Prince.

"Hindi ko po alam ang inyong pagdating, Kamahalan. Kung marapat lang po sanang ako'y inyong patawarin." Saad ng lalaki habang nakayuko.

Mukha namang walang kaso iyon kay Lei Fan. "Walang problema. Naparito lang naman ako para manood. Magpatuloy na kayo at 'wag niyo na akong isipin."

Agad namang tumayo ng tuwid ang lalaki at tumango.

Iba ang pakiramdam na idinudulot ni Lei Chen sa mga tao.

Ang imaheng ibinibigay ni Lei Chen sa mga tao ay isang lider na madaling lapitan sa kabila ng mataas nitong posisyon at estado. Si Lei Fan naman ay parang isang inosenteng bata. Ang ngiti sa mukha nito ay madaling nakakapagpalimot sa estado nito bilang prinsipe.

Matapos magsalita ni Lei Fan ay nawala ang tensyon sa arena. Marami ang nagpalagay ang loob dahil sa ngiting ibinibigay ng lalaki.

Nakahanap ng mauupuan si Lei Fan. Saktong sa tabi nito ay si Qu Ling Yue. 

Kilala ni Qu Ling Yue si Lei Chen. At sa kaniyang pinanghahawakang pangalan bilang Young Miss ng Thousand Beast City, siya ay madalas payagan na maglabas pasok sa Imperial Palace. Kaya naman kilala niya ng personal ang mga prinsipe. Nang maupo si Lei Fan sa kaniyang tabi ay labis iyong ikinagulat ni Qu Ling Yue.

"Mayroon ka bang laban ngayon Big Sister Ling Yue?" Tanong ni Lei Fan. Nakangiti itong nagtatanong sa babae.

Tumango naman si Qu Ling Yue. Nag-alangan siya kay Qu Ling Yue dahil hindi niya ito gaanong kilala.

"Ako ang huli ngayong araw. Maaga pa naman."

Ipinatong ni Lei Fan ang kaniyang baba sa kaniyang dalawang palad. Nakatuon ang mga mata nito sa kasalukuyang naglalaban sa battle stage. Lihim itong nag-oobserba sa bawat taong naroon sa battle arena. Naiikot na nito ang paningin sa buong arena ngunit hindi pa nito nahahanap ang taong kaniyang puntirya. Humarap ito kay Qu Ling Yue at nagtanong: "Sabi sakin ni Papa na malalakas at magagaling ang mga contestant sa Spirit Battle Tournament ngayon. Kaya naman pinapunta niya ako dito para manood at matuto. Sabi ni Papa ay tumatanda na daw ako at kailangan ko nang simulang pag-aralan ito. May nagbanggit din saakin na mayroong isang nangibabaw sa lahat sa first battle district, Jun Xie daw ang pangalan. Totoo ba iyon?"

Lumingon naman si Qu Ling Yue kay Lei Fan. Mas bata si Lei Fan sa kaniya. Dahil sa inosente nitong boses, hindi siya naghinala doon. Naisip lang niyang baka nababagot na nga ito sa Imperial Palace.

"Oo, tama ka. Iyon...yun si Jun Xie." Itinuro ni Qu Ling Yue si Jun Xie na nakatayo sa gitna ng maraming tao.

Sinundan naman ni Lei Fan ang tinuturo ni Qu Ling Yue. Agad siyang ngumiti ng malapad ng makita ang kaniyang hinahanap.

"Mukhang hindi nalalayo ang edad namin ni Jun Xie. Kailangan kong lumapit sa kaniya at magpaturo ng ilang bagay." Agad namang tumayo si Lei Fan at nagtungo sa direksyon ni Jun Xie.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C835
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập