Tải xuống ứng dụng
43.21% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 675: Bahay na Bato (3)

Chương 675: Bahay na Bato (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang mga sulat nito ay halos pinuno ang buong pader. Hindi iyon isinulat sa isang araw lang ngunit naglahad iyon ng pagsisisi, lungkot at pagkawala ng pag-asa.

Ang nakapagpagulo kay Jun Wu Xie ay ang may-ari ng bahay na bato ay hindi taga-Middle Realm. Kung pagbabasehan ang mga sulat nito, hindi mahirap hulaan na ito ay galing sa Lower Realm at galing sa isang marangyang pamilya. Posibleng isa itong namamahala ng bansa o isang pamilyang marangal.

Ngunit nakuha nito ang atensyon ng mga taga Twelve Palaces at ito ay sinilaw ng kapangyarihan ng purple spirit bilang kapalit sa pagiging sunud-sunuran niya at napunta siya sa baba ng Heaven's End Cliff.

Hindi mag-isang nagpunta ang taong iyon dito. Mayroon itong halos isang daang kasama. Ngunit nang sila ay makarating sa Heaven's End Cliff, sunod-sunod na namatay ang mga kasamahan nito at tanging siya lang ang mapalad na nakatakas at nakaligtas. Ngunit nawala siya sa tamang direksyon dahil sa makapal na hamog at hindi niya mahanap ang kaniyang daan palabas. Inipon nito ang mga bato na nakita nito sa paligid at naitayo nito ang simpleng bahay na bato bilang pansamantalang tirahan.

Ngunit ang pansamantala nitong paninirahan ay umabot ng ilang taon.

Hindi lubos maisip ni Jun Wu Xie ang lungkot na pinagdaanan ng taong iyon bago ito gumawa ng isang malaking sunog para magpakamatay. Hindi niya rin masigurado kung paano nito nagawang gumawa ng malawak na sunog sa lugar na iyon.

Kung pagbabasehan ang maitim na lupa sa labas, ay nagtagumpay nga ito. Ang lupa ay nasunog ng malala at wala nang tumubo doon.

Hindi makalkula ni Jun Wu Xie kung gaano katagal nang patay ang taong iyon dahil hindi niya naman nakita ang mga buto nito. Malinis na ang paligid at tingin ni Jun Wu Xie ay matagal na nga itong patay.

Ngunit nakuha ang atensyon ni Jun Wu Xie ng ilang salitang sinulat nito bago ito namatay.

[Ang purple spirit ay isang bunga lang ng pagsunog ng spirit power ng isang tao.]

Nabanggit nina Qiao Chu na ang mga tao sa Middle Realm ay may kakayahang makontrol ang kanilang kapangyarihan para makaabot sa purple spirit level. Dahil sa bata pa sila noong sila ay umalis sa Middle Realm, hindi nila gaanong naintindihan iyon. Maging si Yan Bu Gui ay hindi alam kung paano nangyayari iyon.

Ayon sa huling sulat ng lalaki, ang abilidad na iyon ay hindi eksklusibo sa mga taga-Middle Realm dahil malinaw na ang lalaking iyon ay taga-Lower Realm. Dahil sa gabay at instruksiyon ng mga nakasundo nito, natutunan ng lalaki na makaabot sa purple spirit level! Napatunayan iyon ng mga sulat nito!

"Ang purple spirit ay isang bunga lang ng pagsunog ng spirit power ng isang tao..." Muling inulit ni Jun Wu Xie ang mga salitang iyon. Sinusubukan niyang intindihin kung ano ang ibig sabihin noon.

Kahit na mabilis ang paglakas ng kapangyarihan ni Jun Wu Xie, kung ikukumpara iyon sa kaniyang mga kaaway, siya ay mahina pa. Ang makaabot sa purple spirit ay simula pa lang para sa kaniyang paghihiganti. Nang hindi niya pa alam na pwedeng kontrolin ng taga Lower Realm ang kaniyang spirit power, tinanggap na niyang imposible iyon. Ngunit ngayong alam niya na posible pala, hindi niya papalagpasin ang oportunidad na ito.

Sunugin ang spirit power? Anong ibig sabihin noon?

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. Hindi naman siya nakakakilos ng maayos kaya susubukan niyang ibuhos ang kaniyang konsentrasyon para makita kung magtatagumpay ba siya!

Kinalma ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili at nagsimulang piliting umikot ang kaniyang spirit power sa kaniyang buong katawan. Noong kaniyang pagtrabahuhan ang Spirit Healing Technique, nagawa niyang magsanay para kontrolin ang kaniyang spirit power sa kaniyang katawan. Ngayon ay pag-eeksperimentuhan niya ito.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C675
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập