Tải xuống ứng dụng
24.32% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 380: Pagsulpot ng Elder (1)

Chương 380: Pagsulpot ng Elder (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tirik na tirik ang araw at ang lugar ay puno pa rin ng mga tao. Ito ang unang araw para sa enrollment ng mga bagong disipulo sa Zephyr Academy. Lahat ay nagmamadali para maniguro ng kanilang pwesto dito. Mahapdi na sa balat ang init na binibigay ng araw at ang mga kabataang galing sa mayayamang pamilya aay mariringgan na ng reklamo dahil ang mga ito ay basang-basa na ng pawis. Ngunit para panatilihin ang kanilang postura, tiniis ng mga ito ang init. Lalo na sa mga nasa dulo, alam nilang sila ay matagal pa pero hindi nila gustong isuko ang kanilang pwesto. Maya-maya ay naglabasan ang mga ito ng payong na parang kabute hawak ng kanilang mga alalay habang sila ay pinapaypayan. Mayroon pa ng ang may dalang yelo sa kanilang mga karwahe at ang mga alalay ay pababalik-balik para kumuha ng malamig na inumin.

Hindi Sityembre ang pinakamainit na buwan ng taon, ngunit ang araw ng tanghaling iyon ay sobrang init, sapat para mahilo ang isang tao.

May mga babaeng nahimatay na sa pila. Sila ay binuhat papunta sa kanilang karwahe para takasan ang init.

Natahimik ang mga tao dahil sa sobrang init. Ang mga kabataang nag-uusap ay masyado nang naapektuhan ng init at ang tanging ingay lang na nililikha ng mga ito ay ang mga utos nila sa kanilang alalay na magpatuloy sa pagpaypay sa kanila. Nawala na ang sigla ng mga ito para makipagkwentuhan.

Sa gitna ng katahimikang iyon ay may narinig silang malakas na sigaw. Lahat ng tingin ay nabaling sa pinanggalingan noon.

Lahat ay aburido na sa init ngunit liningon nila iyon dahil sa kuryosidad. Natagpuan ng kanilang tingin ang dalawang taong nasa ilalim ng malaking puno sa di kalayuan. Isang matangkad na lalaki ang nakasuot ng puti at isangsabik na bata ang nakatayo sa tabi nito ang mga kamay nito ay nakatakip sa sariling bibig. Ang sabik na sigaw na iyon ay mukhang galing dito.

Lahat ng kabataang nakapila ay nakatingin dito kaya naman nakiusyoso na ang mga ito sa nangyayari sa ilalim ng punong iyon.

"Mu Chen! Hindi ba ikaw si Mu Chen, ang Elder ng Qing Yun Clan!? Sa wakas ay nahanap kita dito, Elder Mu! Parang awa mo na bentahan mo na ako ng elixir na binigay mo saakin dati. Matapos na inumin iyon ng aking nakakatandang kapatid, napabilis ang paglakas ng kaniyang spiritual power! Sige na, nagmamakaawa ako! Bentahan mo na ako ulit noon!" Malakas na sabi ng sabik na bata sa lalaking nakasuot ng puting damit.

Napakurap-kurap naman ng mga mata ang mga nakarinig noon at hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

Parang sumabog ang kanilang utak nang kanilang marinig ang "Qing Yun Clan". Ang tatlong salitang iyon ay parang kidlat sa kanilang pandinig!

Sino ba ang hindi nakakaalam sa Qing Yun Clan, ang nangungunang angkan sa balat ng lupa? At may isang malaking kaganapan pa lang ang nangyari nito lang sa angkan na iyon! Ang Elder ng Cloud Treading Peak ay inanunsyo ang pagkabuwag ng Qing Yun Clan at ang Sovereign at iba pang Elder ng mga pangkat ay umalis na. Tanging si Mu Chen lang ang natira at pagkatapos ng anunsyong iyon, hindi na siya mahanap.

Ang nangungunang pangkat ay nag-anunsyo ng pagkabuwag at agad na kumalat iyon sa buong mundo. Marami ang mga spekulasyon pero walang nakakaalam ng tunay na nangyari doon.

Marami pa rin ang naghihintay na gamutin ng mga taga-Qing Yun Clan. Bukod pa doon, hindi lang ang panggagamot ang inaasam nila sa Qing Yun Clan. Kundi maging ang pambihirang nilang mga elixir!

Tama ba sila ng pagkakarinig? Tinawag ng batang iyon ang lalaking nakaputi sa pangalang "Mu Chen"!?

Hindi ba't iyon ang pangalan ng Elder ng Cloud Treading Peak na siyang huling umalis sa Qing Yun Clan?

Nang mapagtanto nilang ang lalaking nakaputi ay maaari ngang maging si Mu Chen, lahat sila ay napako ang atensyon doon.

Ang Cloud Treading Peak ay kilala sa paggamot ng ugat at maraming tao ang hindi pa nakikita si Mu Chen sa personal. Maraming nagdududa hanggang sa makita nila ang Jade ornament na nakasabit sa bewang ng lalaki. Agad na nawala ang kanilang paghihinala!

Iyon ang jade badge na inukit sa "cloud" character, iyon ay simbolo ng Qing Yun Clan!

Ang badge na iyon ay tanging ang Sovereign, Elders, at mga disipulo lang ng Inner House ang mayroon.

Biglang naglahong parang bula ang mga Elder at tanging ang mga taga-Cloud Treading Peak lang ang natira simula noon!


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C380
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập