"Malaki ang tyansa, ang naunang Wu Xie ay sanhi ng kaguluhan san man siya magpunta, hindi ako iimbitahan ni lolo sa isang importanteng kaganapan ng walang rason. Dahil nanggaling siya sa Royal Court, baka nanggaling ito sa taong nasa trono." Mahinhing sinagot ni Jun Wu Xie ang itim na pusa habang patuloy na naglalakad.
"Meow?"
[Anong rason ng pag imbita niya sa iyo sa kaarawan ng Unang Prinsipe?]
"Sa paningin ng ibang tao, patay na ang aking tiyuhin. Ako na lamang ang natitira sa Palasyo ng Lin sa nakababatang henerasyon. Kaya para sa kanila, ang Palasyo ng Lin ay maiiwan sa isang bata pag namatay na si Jun Qing, at matanda na rin si lolo, wala na silang kailangang alalahanin. Kahit ano pang mangyari, kailangan nilang magpakitang tao. Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng balita mula kay lolo tungkol sa sitwasyon ni Jun Qing, ngunit kung ang isang 14 taong gulang na batang tulad ko ang kanilang tinanong… Bukod pa rito, ano ang maiisip mo pag nakita mo ang isang babaeng iniwan ng isang lalaki na dumalo sa kaarawan ng kuya niya at nakita siyang nanunuyo ng ibang babae sa gitna ng maraming tao? Dito palang ay makikita nang may balak sila?" Hindi masalita si Jun Wu Xie, kahit sa kanyang pamilya, hindi siya gaanong nakikipag-usap.
Gayunman, natural lang ang pagdaloy ng mga salita pag kasama niya ang maliit na itim na pusa.
"Meow!" Tumindig ang balahibo ng pusa.
[Mga walang hiya! Mga mapangahas! Hindi ka mapapaisip na magkapatid sila! Nagkukunwari lang silang may mabuting intensyon ngunit nais ka lamang nilang pahiyain! Saan ba nanggagaling ang kawalang-hiyaang iyan?!]
"Wag kang mag-alala. Wala lang ito, hahayaan ko pa muna silang magsaya. Ipapakita ko sa kanila…" Sinabi niya ng may malamig na kislap ang tumawid sa kanyang mga mata.
Maabala siya? Hindi niya ito pinansin.
Gayunman, naglakas loob pa ang mga taong iyon para idamay ang kanyang tito at lolo sa kanilang mga pambabastos? Hindi nila siya masisisi sa kawalan niya ng awa.
"Ang mga basura na walang karapatang mabuhay sa mundong ito ay mamamatay." Tinitigan niya ng malamig ang palayok ng gamot na kanyang hinahawakan.
"Meow!"
[Panginoon, ipakita mo sa kanila ang iyong kapangyarihan! Ubusin mo sila!]
Hindi na nagsalita si Jun Wu Xie habang tinuloy ang kanyang paglalakad nang maraming iniisip.
Maayos ang paggaling ni Jun Qing, subalit para maibalik ang kanyang lakas, kailangan pa niya ng oras. Sa mga oras na ito, hindi mawawalan ng ginagawa si Jun Wu Xie, dahil kailangan pa niyang magsanay kasama ang kanyang contractual spirit, dahan-dahan, para mas lumakas pa at mabunot ang mga damong iyon. Maubos sila.
Para mas maging malakas, kailangan niyang simulan ang kanyang cultivation. Ang pagkakaroon ng contractual spirit ang kanyang mahalagang sikreto.
Magmula nang bigyan siya ni Jun Xian ng mas maraming autoridad at inalisan siya ng mga restriksyon, madalas siyang makikita sa Resource Hall kung saan makikita siyang nagbabasa ng maraming libro tungkol sa cultivation techniques.