Tumango si Luo Feng matapos marinig ang sinabi nito. Naiintindihan niya kung gaano kasabik ang mga malalakas na nilalang na nakulong ng napakaraming era na pumasok sa 'virtual universe' habang nagagawa niyang makita at makasama ang kaniyang pamilya habang naglalakbay sa kalawakan. Naparamdam nito kay Luo Feng na para bang ito ang katotohanan at naniniwala rin siya na ito rin ang kagustuhan ng mga nakakulong dito.
"Mayroon ka bang anonymous scanner?" biglang tanong ng nilalang mula sa lahi ng Cang Jiang
Nagulat dito si Luo Feng.
"Gagawin ko ang lahat para sa iyo kung hahayaan mo akong pumasok sa virtual universe at maiparanas muli ang buhay sa labas." Nagpapatuloy na sinabi ng nilalang.
"Wala ako nito." Sabi ni Luo Feng habang iniiling ang kaniyang ulo.
Agad na napuno ng desperasyon ang nilalang na ito.