"Sino, sino ang nagbaba ng kautusang ito?" Nagalit dito si Jie Li Emperor "Agad ko itong irereport sa matataas na miyembro ng Huge Axe Dojo!"
Mukhang naging patas sa magkabilang panig ang kautusang ito, pero sa totoo lang ay para lang ito sa mas pinalakas na proteksyon ng mga tagaDaigdig sa mga imigrante.
May naglalakihang mga awtoridad at mga background ang mga imigrante, paminsan minsan silang nagpupunta sa mga kontinente para maglakbay, sino bang tagadaigdig ang makakapigil sa kaniya sa oras na ibully nila ang mga taong naninirahan doon? At marami rin ang mga kasama nilang mga naglalakasang fighter na kung saan naging pangkaraniwan ang mga domain lord at sector lord sa kanila. Para sa lakas ng mga tagadaigdig, gaano nga ba kahina ang mga ito?