Nang kumalat ang pangalan ni Blade River Emperor sa paligid, maramig mga emperor na malapit kay Luo Feng ang agad na tumawag sa kaniya. Naging taos puso ang mga ito sa ginawa nilang pagbati. Nagawa pa rin silang sagutin ni Luo Feng noong una "Napilitan akong gawin iyon, sinubukan akong patayin nina Blood Beast at Heavy Arrow kaya wala na akong choice kundi ibigay ang lahat ng aking makakaya! Ito ang dahilan kung bakit naging ganoon ang resulta ng laban."
"Suwerte, suwerte lang iyon."
"Haha, salamat."
Matapos sumagot sa ilan niyang mga kaibigan, hindi na siya maaari pang maistorbo at tuluyan nang pinatay ang pagtanggap ng kahit na anong sulat o tawag sa virtual universe network.
******
Sa loob ng kaniyang internal world.