Sinira na ni Pu Ai ang daanan at nawalan na ng pakialam sa mga pangyayaring nagaganap sa loob ng nasirang tower. Mas nakafocuse na sila ngayon sa pagpapalakas ng mga susunod na henerasyon ng mga fighters mula sa kanilang lahi ng Yan Ji.
Sa loob ng tower.
Nagmukhang demonyo ang payat na si Purple Clock. Isang purple na membrane ang nagliwanag sa kanyang katawan, kumalat ang pressure sa paligid habang nakatitig siya sa imahe.
Natural na ipinagaspas ni Luo Feng ang kanyang mga pakpak at rito.
Kung paguusapan ang pangangatawan, maituturing lang na normal si Luo Feng sa trilyon trilyong mga lahi. Ang Purple Clock Emperor namang ito ay mayroong 1.6m taas at payat na pangangatawan, napagmukha nitong malaki ang kaharap niyang si Luo Feng.
"Minaliit nga kita." Namamaos na sinabi ni Purple Clock.
"Hindi ko inasahang magiging ganito ka rin pala katindi." Mahinang sinabi ni Luo Feng.