Nang magsimulang gumalaw sina Qiu Chi Ka at iba pang mga sinaunang fighter, kasalukuyan namang nasa nagpapanic na state sina Luo Feng, Gold Cang at Purple Clock.
"Takas, takas, takas!" Pinagaspas ni Luo Feng ang kaniyang mga pakpak at nagwarp na parang isang demonyo sa mga daanan.
"Masyadong malakas ang Gold Cang na ito!"
"Isa itong lakas na nasa limit na ng emperor level, lumalampas ito nang husto sa lakas ng isang nilalang na nasa tuktok ng emperor level. Hindi siya nagawang masaktan maging ng pagseself destruct ni Night kanina." Nagpanic si Luo Feng sa kaniyang loob. "Hindi siya nasaktan maging ng pinagsama samang pagatake ng aking bug army. Kaya kung lalaban ako sa kaniya, maaari siyang magsunog ng kaunti niyang undying na enerhiya para mapatay ang aking katawang lupa. Magiging malaki ang aking problema sa oras na mamatay ang aking katawang lupa. Masyadong masikip ang mga daanang ito kaya hindi ko magagawang palabasin dito ang aking Golden Horned beast!"