Sa palasyo ni Long Jue Emperor sa Wu Long starfield.
Sa mga sandaling nito makikitang nagtitipon tipon sa lugar na ito ang 5 na managers ng Wu Long starfield.
"Balimbing nga talaga ang buhay, parang datil ang ay masyadong naging kaawaawa si Luo Feng matapos pahirapan ni Yan Zhu Emperor. At sa loob ng isang iglap, ilang libong taon pa lang ang lumilipas." Iling ni Long Jue Emperor sa kanyang ulo "Nagkabaliktad na ang sitwasyon nila ngayon, kasalukuyan pa ring nasa loob ng ika 9 na jail hell si Yan Zhu matapos sentensyahan ng pagkakakulong sa loob ng 1,000 era habang si Luo Feng ay tumataas nang husto matapos maging disipulo ng namumuno sa primal chaos city."
"Kinakailangan mo kaming tulungan sa pagkakataong ito, Long Jue Emperor." Ibinaba ng payat na si Da Nian Emperor ang kanyang wine glass "Dahil noong maging tratuhin ng ganoon ni Yan Zhu si Luo Feng ay hindi namin siya nagawang pigilan. Natatakot ako na baka…maalala pa rin niya ito hanggang ngayon."