Matapos mapirmahan ang kontrata, natural na naisagawa ang mga bagay bagay nang naaayon sa kanilang napagkasunduan.
Hindi na nagawa pang hanapin ng mga taga Huge Axe Dojo muli si Luo Feng. Masyado ring naging mataas ang efficiency ng Virtual Universe Company matapos nitong agad na magpadala ng napakaraming tao sa pamamagitan ng pagteteleport sa isang god country papunta sa Earth para masimulan ang pagtatayo sa mga floating city. Nagsimula na rin sila sa pagtatayo ng isang shrine sa mga bungad na bahagi ng solar system, maikukumpara na ang sukat nito sa araw.
Idedestino sa loob ng shrine na ito ang mga hindi mapapantayang nilalang mula sa Virtual Universe Company. Sabagay, masyadong importante ang Earth para sa kanila.
"Nangako ang Virtual Universe Company na hindi nila gagambalain ang buhay ng mga taong orihinal na nakatira sa Earth.
…