Sa sira sirang bakuran ng tahanan ni Luo Feng.
Tumayo lang doon si Yan Zhu Emperor at nanlalamig na tumingin kay Luo Feng.
Makikita sa kanyang tabi ang 5 na emperor level na undying at 12 na official level na undying. Kung ikukumpara kay Yan Zhu, masyado pa ngang mahina si Luo Feng, maging si Dylan ay katutungtong tungtong lang sa lakas ng isang official. Pero sa totoo lang ay hindi niya pa magagawang pumantay sa isang totoong official.
"Patuloy akong mamaliitin kung mahina ako! Kinakain ng malalakas ang mahihina, isa nga itong kaso ng survival of the fittest." Nakulong na si Luo Feng sa isang sulok. Kahit na nagagalit siya nang husto sa kanyang loob, kinakailangan pa rin niyang maingat na kalkulahin ang susunod niyang hakbang "Mukhang hindi ako itinuturing na kahit ano ni Yan Zhu Emperor. Isa lang akong mangmang na henyo para sa kanyang paningin."