Matapos umalis sa pagoda tribe ay nagawa nilang lumipad sa bilis na pumapantay sa bilis ng ilaw. At sa advance na teknolohiya ng kasalukuyang spaceship mula sa planetang Yun Mo ay naging madali lang para sa kanila an gmakita at mairecord ang lahat ng nasa labas. Dito na nagkaroon sina Luo Feng, Dylan at ang iba pa nilang kasama ng malalim na pangintindi sa kultura ng lahing ito.
Noon ika 18 araw ng kanilang paglipad ay nagawa na nilang makalapit sa sagradong city.
"Habang papunta rito ay madalas tayong nakakakita ng mga laban at pagpatay sa ibaba, ano nga ba ang nangyayari roon?" Lumabas si Luo Feng sa kanyang cabin at habang tinitingnan ang ilang footage ay nagtataka niyang tinanong si Elder Si Fan Qi.