"Haha, dahil binigyan mo ako ng pagkakataon, siguradong kinakailangan ko na itong mapasyalan." Parang walang problemang tumawa si Luo Feng "At matagal tagal na rin akong gumagamit ng Nan Shen Armament pero hindi ko pa rin nakikilala hanggang sa pagkikitang ito ang nilalang na gumawa nito, nirerespeto ko nang husto ang doyen na si Xi Luo Duo."
Natutuwang ngumiti sina Elder Si Fan Qi kasama ng 7 na official level na undyings at ni Kashna noong marinig nila ang mga sinabing iyon ni Luo Feng.
Si Xi Luo Duo ang pinakanirerespetong tao sa lahi ng gold horn.
Noong magtapos ang pagdiriwang.
"Elder Si Fan Qi, maaari mo bang ayusin ang lahat para sa akin para sabay tayong makaalis mamaya." Sabi ng tumayong si Luo Feng.
"Haha, hindi naman po kami nagmamadali. Maaari niyo na po munang gawin ang mga kailangan ninyong asikasuhin, kamahalan." Ngiti ng elder.
Tumango at tumalikod si Luo Feng na nagsama sa grupong mula sa panig ng tago bago tuluyang umalis.