Sa Heavenly bridge ng Virutal Universe.
Makikita sa gitna ng isang magandang isla ang watchman na si Bevin habang tinitingnan ang listahan. Nang biglang sabay-sabay na magpakita ang tatlong imahe sa isla.
"Luo Feng, Rong Jun at Wuka. Sabay-sabay kayong nagpunta rito? Hmm, walang laman ang tulay ng 9 universe. Pero pareho kayong nagmula sa huge axe sect Rong Jun at Wuka. Isa lang ang maaaring pumasok dito sa bawat pagsubok kaya sino sa inyo ang mauuna." Ngiti ni Watchman Bevin habang tinitingnan ang tatlo.
Iniling ng parehong sina Rong Jun at Wuka ang kanilang ulo.
"Hindi kami susubok sa heavenly bridge. Si Luo Feng lang ang may balak na sumubok ngayong araw," sabi ni Wuka.
"Oo, si Luo Feng lang ang susubok sa amin. Susubukan niya raw lampasan ang ika-6 na level." Ngiti ni Rong Jun. "Wala namang magiging problema sa panonood kay Luo Feng habang sinusubukan ang ika-6 na level, hindi ba Lord Bevin?"