"Mayroong 9 bilang ng larawan ang 9 universe tablet. Ang unang larawan ay naglalaman ng 9 na patak, ang bawat dalawang patak ay may magkaibang kahulugang itinitago sa kanilang likuran." Habang nagfofocus sa 108 na salita, walang tigil na ikinumpara ni Luo Feng ang mga bagay na kanyang napagaralan sa tablet sa mga salita na kanyang tinitingnan sa mga oras na ito. "Mayroong 9 na salita sa 108 na salitang ito ang nahahawig sa siyam na patak ng ulan sa unang larawan."
Ang 9 na salitang ay parang 9 na patak, nagawang maramdaman ni Luo Feng ang pagkakapareho sa kahulugan ng mga iyon. Nagkaroon ng kumplikadong pagkakasulat ang 9 na salitang ito na nakapagparamdam sa kanya ng 9 na blade forms.
"Napakalalim."
Naramdaman ni Luo Feng na palalim ng palalim ang siyam na salitang ito habang sinusubukan niya itong pag-aralan.
Ang bawat blade form ay isang texture ng mismong universe space!