Sabay na naglakad sina Luo Feng at Rong Jun palabas ng kuwartong tinutuluyan ng higanteng nakasuot ng makaliskis na armor.
"Luo Feng," sigaw ni Rong Jun.
"Hm?" Napatigil si Luo Feng at napalingon sa kanyang likuran, nakita niya ang pagliliwanag ng malatigreng mata ni Rong Jun habang mahinang sinasabi na, "Nirerespeto ko ang improvement na iyong nagawa sa inyong sarili, makaharap sana kitang muli sa arena para muling talunin sa isang laban!"
"Talunin ako?" Napakurba ang mga labi ni Luo Feng at gumawa ng isang ngiti. "Hihintayin ko ang araw na iyon!"