"Kuya Hong, iniisip mo pa rin bang wala akong kaalam-alam tungkol sa iyo?" ngiti ni Thunder God. "Naalala ko pa noong Grand Nirvana, bata pa tayo noong mga panahong iyon, pero paulit-ulit na tayong humarap sa panganib noon. Kahit mapasok tayo sa isang napakapanganib na sitwasyon, alam kong walang imposible sa iyo!"
"Huwag mo akong iflatter sa mga sinasabi mo," sabi ni Hong.
"Ilabas mo ang lahat ng mayroon ka Kuya Hong, ipakita mo sa kanila ang kakayahan nating mga taga-Earth," sabi ni Thunder God, umasa rin ang katabi nilang si Luo Feng habang tinitingnan si Hong.
Tumingin si Hong kay Thunder God bago lumingon kay Luo Feng.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Nagpakita si Hong ng isang ngiti.