"Masyado ngang malakas ang Ganwu Empire. Kahit ang iyong guro ay hindi maikukumpara rito. Walang magagawa ang mga undying na nilalang kundi iyuko ang kanilang ulo sa harap ng napakalaking Ganwu Empire! Sabagay, marami-rami ang mga fighters na matatagpuan sa Ganwu Empire! Siyempre, hindi pa rin magagawang galitin ng Ganwu Empire ang mga taong kagaya ng iyong guro na walang kahit anong organisasyon at mayroong napakalakas na kakayahan…Pero sa oras na maglaban silang dalawa…matapos magbayad ng malaki, sigurado akong madali pa ring magagawa ng empire na tapusin ang mga taong kagaya ng iyong guro." Buntong-hininga ni Babata. "Wala na tayong magagawa pa rito. Lakas sa pamamagitan ng dami ang pinag-uusapan dito!"
Tumango si Luo Feng.
Naintindihan ni Luo Feng ang lakas sa pamamagitan ng dami habang tinitingnan ang hindi mabilang na sector lords na nakaupo sa hindi mabilang na upuan.
Matapos ang tatlong oras.
"Mga bisita!"