Sa Yangzhou City ng bansang China, kontinente ng Asya sa Earth.
Inalis ni Luo Feng ang kanyang spaceship at pumunta sa ibabang bahagi ng Westlake courtyard, pagabi na noong oras na iyon, makikita ang namumulang araw na lumulubog sa kanlurang bahagi ng kalangitan na nagbigay liwanag sa manilaw-nilaw na damo sa ibaba. Makikita sa madamong lupain na ito ang isang napakalaking alloy stage, nasa loob nito ang dalawang batang lalaking may hawak na blade sa kanilang kamay, kasalukuyan silang nasa gitna ng laban.
Rumble! Rumble!
Sumabog ang ere sa kanilang likuran, sapat na ang kanilang bilis para gumawa ng mga sonic booms.
"Tigil!" Makikita sa tabi ng stage ang isang kalbo at simpleng lalaki, isang mabait na lalaking ngumingiti gamit ang makakapal niyang labi, mayroong makikita na isang nakakaibang marka sa kanyang kalbong ulo, nahahawig ito sa mga Buddhist na mayroong iba't ibang marka sa kanilang ulo.
Tumigil ang dalawang batang lalaki sa pakikipaglaban.