Napakakintab ng mga thunderstones, ang bawat isa sa mga ito ay mayroong halos magkakaparehong sukat, ang pinakamalaki naman sa mga ito ay mayroong sukat na mas malaki ng dalawang beses kaysa sa pinakamaliit na thunderstone. Kasabay nito ang pagtatago ng mga thunderstones ng mahinang thunder energy sa gitna ng mga ito. Nagresulta ito sa pagkakaintindi ni Luo Feng na maaaring ginawa ang mga batong ito matapos buksan ang mundong ito na nasa loob ng isa pang mundo.
128,926 na piraso!
Kahit na gamitin pa nila ang bawat isa nilang segundo para makuha ang 100 sa mga ito ay nangangailangan pa rin sila ng nasa 1300 na segundo. Kahit na maglabas pa ng maraming baging ang cloud contact vine ni Luo Feng, kasama ang mga maliliit pa nitong baging, ang karamihan sa ginagawa ng mga ito ay ang maghukay…na kumakain ng napakhabang oras.
"Ang magiging pagkuha natin sa thunderstones na ito ay nangangailangan ng marami-raming oras," walang magawang sinabi ni Thunder God.