"Mundo sa loob ng isang mundo?" tingin ni Luo Feng sa screen, bahagyang nabalot ng takot ang kanyang puso.
Ilang bagay ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Ayon sa logic, ang kanyang pagsali sa Universe Mercenary trainee exams ay hindi malalaman at ilalabas sa publiko. Talagang kaunti lang ang mga taong makakaalam nito! Kahit na alam ito ni Heruo ay nagmula siya sa Northern Dragon City kaya wala siyang karapatang kontakin ang isang taong kagaya ni Ming Yu! Ang Domain Lord na si Lord Ming Yu, paano niya nalamang nasa loob siya ng mundong nasa loob ng isang mundo?
"Wag ka ng magtaka! Dahil noong kinausap ko kayong tatlo ay nakita kong may plano kayong maglakbay at tuklasin ang kalawakan. At sa kasalukuyang ninyong lakas, ang unang niyong magiging hakbang ay ang pagkuha ng Universe Mercenary trainee exam. At tanging ang World of Thunder lang ang pinagdadausan ng exam na ito sa buong Black Dragon Mountain Star Field." Naging prangka at bukas ang pananalita ni Ming Yu.