Sa loob ng World of Thunder ng kilalang Cang Lan Star sa Black Dragon Mountain star sector.
36 araw na ang lumipas mula noong pumasok ang grupo ni Luo Feng sa World of Thunder.
Kalat ang mga nagtataasang damo sa lupain ng mundong ito, ang ilan pa nga sa mga lumot na ito ay mayroong taas na umaabot sa 10 meters. Lumakas din nang husto ang mga damo na ito matapos umabsorb ng enerhiya mula sa kalawakan, maikukumpara na ang mga damo na ito sa mga A grade alloys, mas matigas pa kaysa sa mga diyamanteng matatagpuan sa Earth. Sa oras na umihip ang napakalakas na hangin ay agad na nagyuyukuan ang mga damo na ito, makikita sa pagyuko ng mga ito ang nagpapahingang halimaw sa lupain.
Limang dumadaloy na ilaw ang lumipad sa lupaing ito.