Sa loob ng mundo ng isang Sector Lord sa Cang Lan Star.
Mabilis na sinimot ng grupo ni Luo Feng ang mga fighter na kanilang napatay. "Hahaha, isa nga itong batang elite mula sa Hundred Tiger Building, gumagamit nga talaga ang babaeng ito ng isang AI quantum computer. Hindi ko na kinakailangang bumili pa dahil ito na ang gagamitin ko mula ngayon!" Nakuntento na ng husto rito si Thunder God, gumagamit si Luo Feng ng isang quantum computer na higit sa kakayahan ng isang AI, dahil naglalaman ito ng isang living AI, si Hong naman ay gumagamit ng isang AI quantum computer habang si Thunder God ay gumagamit ng isang pangkaraniwang quantum computer lang.
"Mayroon pa siyang storage ring."
"At isang spirit weapon."
"Hindi mapapantayan ng anim na star level 9 fighters na ito ang kayamanan ng babaeng ito." Gumalaw si Tie Nan He at mabilis na kinolekta ang mahahalagang kayamanan ng mga ito.