Sa loob ng training room.
Nakasuot ng itim si Hong habang nakahawak sa isang purong itim na spear. At maging ang nakaputing si Thunder God ay kasalukuyang sinusuri ang isang purong itim na blade na kanyang hawak.
"Napakaganda ng mga sandatang ito." Nagliwanag ang mga mata ni Hong.
"Ang tibay ng blade nito, ang center of gravity ay napakakumportableng iswing. Nababagay ng husto ang sandatang ito sa aking kakayahan," hindi maiwasang mapapuri ni Thunder God sa sandatang ito. "At napakatalim din nito." Sa loob ng isang napakadaling paggalaw. Sa pamamagitan ng pagwagayway ng kaunti sa blade na ito ay nagawang maramdaman ang paghiwa nito sa hanging kanyang dinadaanan.
Tumawa si Hong habang nakatingin kay Thunder God. "Isang kayamanan ang armor na iyan, mukhang nakahanap ka nga talaga ng ginto."