Habang hawak ang kulay dugong shard sa kanyang kamay ay agad na nanginig sa nerbiyos si Luo Feng! Bakit nga ba siya hindi nenerbiyosin sa isang malahimalang bagay na kanyang nadiskubre na para bang isang pulubi na nakadiskubre ng isang abandonadong pabrika na may lamang sampung bulto ng mga ginto, mga bultong kasing taas ng dalawang tao. Talagang kagulat-gulat ang nadiskubre niyang ito.
Sa pamamagitan ng paggamit sa kaunting lakas ay nagawa niyang mahiwa ang isang SS grade armor ng walang kahirap-hirap. Mawawala sa kanyang sarili ang sinumang tao sa mundo na makakakita nito.
"Hu."
"Kumalma ka."
Tumagal ng kaunti ang ganitong klase ng pagkasabik bago siya nagsimulang bumalik sa pagiging kalmado habang maingat na ginugugol ang kanyang oras sa pag-usisa sa sitwasyong ito.
"Halatang nagmula ang shard na ito sa isang kutsilyo!"