Sa China, taong 2059, kinagabihan ng January 8 11:36. Pero kasalukyan pa ring nasa hapon ang oras sa kontinente ng Australia kung saan makikita ng misteryosong isla.
Peng!
Mula sa napakalawak na lawang ito makikita ang paglabas ni Luo Feng mula sa ilalim bago lumutang sa gitna ng ere sa ibabaw nito.
"Tatlong araw na rin ang nakalilipas mula noong huli akong makakita ng araw." Itiningala ni Luo Feng ang kanyang ulo papunta sa kulay asul na kalangitan kung saan makikita ng paglipad ng iilang lumilipad na halimaw bago tumingin muli sa lawa, "Malapit ng matapos ang paghuhukay ng mga Mu Ya Crystals sa lawang ito makalipas ang tatlong araw. Sa unang araw nakakuha ng napakaraming kristal ang mga tao, medyo kaunti naman kung ikukumpara rito ang mga nakuha noong ikalawang araw at ngayong ikatlong araw, nasa dalawa pa lang ang nakukuhang kristal sa mga oras na ito."