Noong makapiling ni Luo Feng ang kanyang mga magulang at kapatid, nabuhay muli ang diwa sa buong Ming-Yue sector. Ito ay dahil sa inaabangang pagdating ng chairman at ng tatlong chiefs dito.
Nagsama si chief instructor Wu Tong ng ilang dosenang fighters habang hinihintay ang mga ito.
"Bakit kaya darating dito ang chairman kasama ang tatlong chiefs?"
"Talagang napakadalang para sa Big Four na pumunta sa aming sector ng sama-sama," usap-usap ng mga fighters na ito.
"Andito na sila," tingin ni Wu Tong sa kalangitan.
Tumahimik ang lahat at tumingala sa kalangitan.
Isang dumadaloy na ilaw ang tumagos at huminto sa kalangitan. Ang ilaw na ito ay naging isang dark blue fighter jet na hugis UFO habang lumulutang sa ibabaw ng Ming-Yue sector. Ilang saglit pa ay nagsimula na itong bumaba ng dahan-dahan.