Napakalinaw at payapa ng kanyang pagiisip sa ngayon nang makaranas siya ng napakalaking pagbabago sa kanyang emosyon.
Walang pagdadalawang-isip na nagfocus ang kanyang buong isip at katawan sa hawak-hawak niyang blade.
"Huh?" Matapos magsanay ng kaunti ay napasimangot na lang si Luo Feng noong subukin niya ang ilang klase ng swings sa kanyang blade. Matapos noon ay babalik muli siya sa pagsasanay at titigil na muna ngsandali para mag-isip at babalik muli sa pagsasanay…
Ang pakiramdam na ito sa madaling salita ay parang nagsosolve si Luo Feng ng mga math problems noong high school pa lang siya.
Kinakailangan mong gumamit ng iba't ibang paraan para masolve ang isang napakahirap na math problem. At sa bawat pagkakamali mo habang tumatagal ay palaki ng palaki ang iyong tiyansa na masolve iyon. Napakahirap talaga ng mga mahahabang math problems lalo na sa kanilang panahon. Minsan ay hindi mo pa kayang isolve ang isa sa mga ito sa loob ng dalawang oras.