Tải xuống ứng dụng
98.09% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 721: Plane Guardian’s Strength! (1)

Chương 721: Plane Guardian’s Strength! (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Base sa Divination ko, ang tanging paraan para masolusyunan ni Marvin ang problemang ito ay kolektahin ang mga pahina ng Book of Nalu."

"Ang Book of Nalu?"

"Ang sinumpang bagay na 'yon?"

Nagulat ang mga God sa sinabi ni Anuba Grant.

Pinagpatuloy ni Grant ang kanyang sinasabi, "Base sa mga nasaksihan ko, ang lokasyon ng mga natitirang pahina ay nasa Collapsed Earth, Evil Spirit, Fallen Star Field, at sa Evil Spirit Sea.

Mabilis rin niyang sinabi, "Siguradong hindi mangangahas si Marvin na unahin ang Evil Spirit Sea dahil masyadong delikado at hindi natin alam kung ano ang naroon."

"Ang Evil Street ay hindi rin madaling mapuntahan. Nabalitaan ko na isinara na ng mga tauhan ni Balkh ang lugar na 'yon. Tungkol naman sa misteryosong Fallen Star Field, mapupuntahan lang ito sa pamamagitan ng Green Sea Paradise at malinaw na hindi doon ang destinasyon nila. Ang natitira na lang ay ang Collapsed Earth ng Elemental Plane of Earth."

"May kasama siyang Time Dragon pero alam natin kung saan sila papunta, kailangan na natin kumilos."

"Wala man pakiealam ang Eath Sovereign sa mga problema ng sekular na mundo, kailangan na natin mag madali."

Pagkatapos sabihin ito, pumili sina Grant at Anubs ng ilang mahuhusay na God saka sila nagtungosa Elemental Plane of Earth.

Lalo pa at hindi sila basta-basta makakapasok sa Elemental Plane of Earth, hindi madaling kalabin ang Four Elemental Planes, kapag ginalit nila ang mga Elemental Sovereign, ang God Realms ang makakaramdam ng hagupit nito!

Napuno ang kalangitan ng buhanging hinahangin mula sa iba't ibang direksyon.

Kapag hindinaging maingat sa paghinga, maaaring makalunok ng napakaraming buhangin.

Ang mundong ito ay binubuo ng mga bato at buhangin. Para bang isa itong Monotonous Law na nilalamang ang Old Eternal Aura.

Ito ang Elemental Plane of Earth.

Labing limang minuto bago ito, ginamit nina Marvin at Tiramisu ang World Tree para makatakas mula sa God Realms at nakaabot sila sa Elemental Plane of Earth.

Tulad ng sinabi ng God of Dawn an Protection, balak ipunin ni Marvin ang mga pahina ng Book of Nalu.

Kapag nagawa niya ito, saka lang ito makakakuha ng napakalakas na kapangyarihan.

Sa apat na natitirang pahina, ang pahinang nasa Elemental Plane of Earth ang pinakamadaling kuhanin.

Walang pakiealm ang Earth Sovereign sa mga bagay na may kinalaman sa mundon ito, isang libong taon na ring walang balita tungkol sa kanya.

Ang huling beses na nabanggit ang Earth Sovereign sa kasaysayan ng Feinan ay noong era pa ng Night Monarch. Kinilala ito bilang kaibigan ng Night Monarch na kasama nitong lumaban para itaboy ang mga nanghihimasok sa Feinan.

At dahil dito, walang nangangahas na maliitin ang mga Elemental Sovereign.

Ang buhay ng apat ng Elemental Sovereign ay sinasabing mas mahaba pa kesa sa buhay ni God Lance.

Sila ang bumubuo ang sentro ng World Order, basta walang kaguluhang nagaganap sa our Elemental Planes, may pag-asa ang buong Universe.

Ganoon din sa kabaliktaran, kung mayroong problema sa Four Elemental Planes, ang buong Universe ay mahaharap sa delubyo.

Ito rin ang dahilan kung bakit pinapahalagahan ng God Realms ang mga Elemental Plane.

Subalit, hindi sapat na lamang sila Marvin ng labing limang minute para magawa nila ang balak nila.

Para mataguan ang perception ng mga God at ng Elemental Sovereign, sinuot pa niya ang Cloak na ibinigay sa kanya ng Vampire Pimogenitor!

Pero masyadong malaki ang Elemental Plane of Earth.

Natunton n ani Lorie ang eksaktong lokasyon nito gamit ang kanyang Wisdom Ability, at nakita niya ito sa isang pababang bahagi sa dakong kanluran ng plane. Pero pagdating nina Marvin, hindi niya inakalang ang pababang bahaging ito ay halos kasing laki ng Jewel Bay ng Feinan!

Kahit na mayroong makapangyarihang Time Ability si Tiramisu, mas mabuting ipaubaya kay Marvin ang mga prediksyon at kalkulasyon.

Wala rin itong magawa kundin sundan si Marvin na ginagamit ang kanyang perception para maghanap ng kakaibang bagay sa kanilang kapaligiran.

Hindi rin malinaw kay Marvin kung ano ang ibig-sabihin ng tinatawag na Collapsed Earth. Dahil ito sa pagiging misteryoso ng Elemental Plane of Earth.

Nang bisitahin niya ang Pearl Tower, naghanap siya ng impormasyon tungkol dito, pero sa kasamaang palad, lahat ito ay sinasabi lang na ang Collapsed Earth ay ang ginagamit ng Earth Sovereign bilang kulungan ng mga criminal.

Hindi nila alam kung ano ang posible nilang makaharap.

Nakakasagabal sa kanilang paningin ang mga hinahangin na buhangin, pero nagpatuloy pa rin sina Marvin.

Pero bigla na lang naging seryoso si Tiramisu at sinabing, "Nandito na sila!"

Nanginig si Marvin. "Agad?"

Tumango ang Dragon, "Dalawang Great God ang dumating, mabuti na lang at walang Ancient God na kasama."

Napailing na lang si Marvin.

Ang "sila" na tinutukoy nito ay walang iba kundi ang mga God.

Masyadong binibigyang importansya ng mga New God na ito ang Fate Tablet. Kung nanatili lang si Marvin sa Feinan, wala magagawa ang mga ito kundi manuod lang. Pero dahil nasa labas siya ng Feinan, hindi magagawang umupo lang ng mga ito.

Lalo pa at isa itong pambihirang kayamanan.

"Isang karangalan para sa akin na dalawang Great God ang nag-abala para habulin ako." Tumawa si Marvin bago ito nagtanong, "Mayroon bang paraan para maiwasan ang perception nila? Sa pagkakaalam ko, ang Cloak ko…"

"Walang silbi." Biglang sabi ng Dragon, "Mukhang alam nila ang lokasyon ng Collapsed Earth, nasa isang lugar lang sila, naghihintay ng pagkakataon."

Nanatiling tahimik si Marvin.

Mahirap ito.

Masyadong halata kung ano ang habol niya, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang mga kalaban.

Wala siyang magawa tungkl dito, mahirap itago ang impormasyon tungkol sa Book of Nalu matapos niyang makuha ang Fate Tablet.

Hindi ito dahil sa hindi kayang magtago ng sikreto ni Marvin, sadyang ganoon kalakas at kabagsik ang Divination ng tatlong Great Gods.

Isa pa, sa paglipas ng oras, nakapag-iwan ng bakas si Lorie noong hinahanap niya ang mga pahina ng Book of Nalu dahil sa nasurpresa ito nang mayroong nagmamasid sa kanya habang ginagamit ang kanyang kapangyarihan.

Basta sundan nila ang mga bakas na ito, magagawang mahanap ng Divination ng mga God na mahanap ang mas eksaktong lokasyon kesa kay Marvin.

Masamang balita ito, at hindi maiiwasan ni Marvin ito.

"Ilan silang lahat?

Dahil hindi sila makakatakas, kailangan nilang makahanap ng paraan para harapin ang mga ito. Hindi naman siya mag-isang lalaban.

Para kay Marvin, isang karangalan na makasama ang Eternal Time Dragn sa isang laban, dahil ang nag-iisang tao lang na nakaranas ng ganito ay si God Lance.

"Dalawang Great God, Isang High God, dalawang Mid God." Mabilis na sinabi ni Tiramisu, "Kaya kong sandaling pigilan ang dalawang Great God… pero sandali lang 'yon, hindi ganoon katagal."

Sumimangot si Marvin habang patuloy na nag-iisip, pero biglang nagsalita si Tiramisu, "Anong iniisip mo? Ako na bahala sa dalawnag Great God, kapatid, wag mong sabihin na hindi mo kayang harapin ang tatlong maliliit na God?"

Bilang nabuhayan ng dugo si Marvin!

Pang mahinang tao pa rin ang takbo ng kanyang isipan.

Oo!

Nagbago na ang lahat.

Ang pagpapalit ng anyo ng False Divine Vessel, ang pagbuo ng Night Ring, ito ay mga patunay na naabot na ni Marvin ang mga bagay na hindi nagawang abuting ng mga nauna sa kanyang nagtaglay ng advanced False Divine Vessel!

Mayroon na siyang lakas ng isang Plane Guardian!

Kayang-kaya na niyang kalabanin ang isang High God at dalawang Mid God!

"Mabuti naman!"

"Tara na!"

"Patitikim natin sa mga God na ito ang kapangyarihan ng isang mortal…"

"Matitikman nila ang kapangyarihan ng isang Plane Guardian powerhouse ng Feinan!"

Sa daan papasok ng Collapsed Earth, ang dalawang Great God ay biglang napaligiran ng isang ipo-ipo at biglang nawala.

Namutla ang tatlong God na naiwan.

Noong oras na iyon, isang aninong kinasusuklaman nila ang lumitaw sa kanilang harapan.

Si Marvin.

Mag-isa lang ito, hawak ang kanyang mga Dagger. Ang Sodom Blades.

"Ang lakas pa rin ng loob mong magpakita?"

Panunuya ng isang God, "Kung ako sayo, nagtago na ako sa isang kanal habang-buhay, total isa ka lang naman Daga!"

Biglang nagbago ang mukha ni Marvin, "Kayo pala 'yan."

Dati nang kakilala ito ni Marvin.

Mas napabuti pa ang kanyang sitwasyon.

Biglang itinaas ni Marvin ang kanyang mga dagger, at ang madugong anino ng Sodom Blades ay lumabas!


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C721
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập