"Sumunod ka talaga!"
Pagkatapos hawakan ng isang kamay ang balikat ni Marvin, isang boses ang narinig ni AMRvin.
Nasurpresa si Marvin.
Malinaw na walang kakayahan sa pakikipaglaban ang babaeng ito, kaya paano siya nalapitan nito nang napakatahimik?
Kung may hawak itong sandata, maaari kaya na-atake na siya nang palihim?
Gulat niyang tiningnan ang Wood Elf.
Wala pa ring awat si Butterfly nang sabihing, "Wag mo nga akong tingnan nang ganyan, hindi naman ako lumakas, humina lang ang mga reaksyon mo."
"Ito ang Hall of Loss. Hindi ko inaasahan na ang kinukwento sa akin noong bata pa ako ay totoo pala…"
Sumimangot si Marvin at agad na tiningnan ang kanyang mga log:
[Nadiskubre mo ang Hall of Loss]
[Noble Knowledge Reminder: Ang Hall of Loss ay tila may koneksyon sa Evil Chromatic Dragon God.]
[Naabot mo ang kapaligiran ng Hall of Loos, dumadanas ka ng epekto ng Slow Halo: Bumaba ng 70% ang Perception.]
…
Nabawasan ng 70% ang Perception!
Napaubo sa gulat si Marvin.
Nakakatakot ang lugar na ito.
Para kay Marvin, na umaasa sa kanyang liksi at mga pakiramdam, isang bangungot ang lugar na ito!
"Ito ba ang epekto ng Chromatic Altar?"
Tiningnan ni Marvin ang sira-sirang altar na iba't iba ang kulay. Kahit na wasak na ito, bahagya pa rin niyang nararamdaman ang kakaibang kapangyarihan nito.
"Hindi," sagot ni Butterfly, "sira na ang Chromatic Altar."
"Mayroong ibang pwersa na nagpapababa ng Percepton natin."
'Perception natin?'
Hindi mapigilang mapamura ni Marvin sa kanyang isip. Mukhang hindi naman gaanong apektado si Butterfly.
Sadyang kakaiba ang Wood Elf.
"Sandali… Magsimula nga uli tayo sa simula." Hindi mapigilang magtanong ni Marvin, "Hindi ba may usapan tayo na hihintayin mo ko? Mayroon pa akong mahalagang bagay na dapat gagawin!"
Namula naman sa hiya si Butterfly. "Eh! Nakalimutan ko eh."
"Dahil sa isang Special Reason, hindi ko mapigilang magpunta dito."
Tiningnan siya ni Marvin at hindi alam kung paano siya kakausapin.
"Nasaan ang Gold Feathered Griffin mo?" tanong nito.
"Pinagtago ko siya, kitang-kita kasi siya," sagot ni Butterfly.
Napakamot si Marvin sa kanyang ulo. "Anong balak mong gawin?"
"Anong [Special Reason]?"
Ah… yung special reason?" Biglang hinila ni Butterfly si Marvin at nagtago sa halaman sa tabi.
Malumanay ang kanyang pagkilos at hindi mapigilang sumama ni Marvin sa kanya….
"Tinginan mo, nagpunta siya…"
…
Isang anino ang lumabas mula sa ibang bahagi ng gubat at mabilis na lumapit.
Umihip ang hangin sa mga puno kaya kumaluskos ang mga ito.
Isang malaking nilalang ang nagtiklop ng kanyang pakpak at dahan-dahang bumaba, lumapag ito sa itaas ng ruins.
Mayroong ito mala-hiyas na berdeng mga mata, at ang kanyang luntiang kaliskis ay humahalo sa mga dahoon ng kagubatan. Tumigil ito sa dulo ng kagubatan at tahimik na naupo, na tila may hinihintay.
"Green Dragon?" Napuno ng duda si Marvin.
Nang makita ang pagdududa nito, bumulong si Butterfly, "Nakita ko ang Green Dragon na ito at sinundan ko dito."
Makikita ang inis sa mukha ni Marvin.
Isa siyang taong pinaplano ang lahat ng gagawin, pero ang babae sa kanyang harapan ay padalos-dalos.
Dahil lang napansin niya ang Green Dragon, sinundan na niya ito?
Ano bang espesyal dito?
Marami na siyang sinayang na oras!
Sasabihin n asana niya kay Butterfly na nagmamadali siya at kailangan niyang magpunta sa Supreme Jungle at wala na siyang oras para manmanan ang Green Dragon na malapit sa Chromatic Altar.
Pero biglang isang makapangyarihang Dragon Roar ang nanggaling mula sa dakong silangan noong mga oras na iyon!
'Isa pang Dragon!'
Naging seryoso ang reaksyon ni Marvin.
Isa pa, pamilyar siya sa Dragon Roar na iyon!
Nakakamangha ang napakalaking katawan nito, pati na ang malakas na Dragon Might!
Hindi siya nakaradama ng ganito kanina sa Green Dragon.
Pero iba ang mas malaking Dragon na ito.
Ang katawan nito ay nababalot ng nagliliyab na kaliskis, mapanganib ang mga mata nito, at nang lumapag ito sa dulo ng ruins, dinurong nito ang malaking bahagi ng kagubatan!
"Ayaw na ayaw ko sa mga Treants na 'yan! Walang saysay ang mga pinagsasabi ng mga 'yan! Hangal na Tidomas!"
Iwinawasiwas ng bagong dating na Dragon ang kanyang mga kamay at buntot, binunot nito ang mga punong nakapaligid.
Mabuti na lang at sa halaman nagtatago sina Marvin at Butterfly, at mga Dragon ay hindi gumamit ng malawakang magic, kaya nagawa nilang makatakas.
Nagbago ang mukha ni Marvin.
Kung ang Green Dragon lang ito, wala sana siyang pakialam dito.
Kahit na ang lakas ng Green Dragon ay nasa gitna lang kumpara sa lahat ng mga Chromatic Dragon, dahil sa Dragon Slaying Spear at sa Ruler of the Night class niya, hindi siya magkakaroon ng problema… Basta hindi niya ito hayaan makapag-cast ng Dragon Spellm madali niya itong mapapatay.
Pero ang kararating lang na Dragon… Kahit si Marvin ay hindi ito kaya!
Ancient Dragon Ell!
Hindi inaasahan ni Marvin na lilitaw ito ditto!
Pagkatapos niyang atakihin ang East Coast, hinabol ito ni Ivan, pero kalaunan ay nakabawi ito.
Walng duda na malakas ito. Sa buong Feinan, marahil ang mga taong nasa level ng mga Plane Guardian lang ang kakayaning humarap dito nang mag-isa.
Sa tantya ni Marvin, hindi niya ito mapapatay kahit gamitin niya ang Dragon Slaying Spear.
Lalo pa ngayon na mayroong Green Dragon ito na kasama na may kalakasan rin.
Sa kapal at antas ng pagpapalit ng kaliskis ng Green Dragon, sa tingin ni Marvin nasa pagitan ng isang Elder Dragon at Ancient Dragon ang edad nito.
Pareho silang makapangyarihang Dragon.
'Kahit na ang Red Dragon at ang Green Dragon ay mga Chromatic Dragon, hindi naman sila basta-basta magtutulungan. Kaya ano ang ginagawa nila rito?
Tiningnan ni Marvin si Butterfly na tila nagtatanong.
Tila wala rin alam ito at umiling lang.
Tila natatakot si Butterfly sa pagdating ni Ell at hindi nangahas na magsalita pa.
Nanatiling kalmado si Marvin at maingat na pinagmasdan ang mga nagyayari.
Matapos maglabas ng inis si Ell, huminahon na ang sitwasyon.
"Kahina-hinala ang pinagmulan ni Tidomas, wag mong basta-basta binabanggit ang pangalan niya." Mahinang sabi ng Green Dragon.
"Isa lang naman siyang masamang Dragon Tomb Guardian," Singhal ni Ell.
"Sa paglipas ng panahon, maraming Dragon ang naging masama. Pero walang isa sa mga ito ang naging Overlord ng Negative Energy Plane. Hindi madali ang pagkuha ng pag-apruba ng nilalang sa Evil Spirit Sea." Mahinahong sabi ng Green Dragon.
Malakas na suminghal si Ell na tila ayaw na niyang pag-usapan ito.
Paglipas ng ilang sandali, naiinip na sumigaw ito, "Wala pa rin ang tatlong hangal na iyon?!"
"Huminahon ka, Ell," naiiritang sabi ng Green Dragon. "Domain ko 'to."
"Gusto mo ba akong kalabanin, Modana?" Panunuya ng Red Dragon Ell.
Hindi naman nagpatinag ang Green Dragon. "Wala akong hamon na kinakatakutan sa kagubatang 'to. Ibinigay ni Sir Hartson ang Secret Key sa clan namin at binigyan tayo ng kapangyarihan para protektahan 'to!"
Puno ng galit ang pulang mat ani Ell. "Hangal na Hartson!"
"Dahil lang mas mapanlinlang at nakakatakot kayong mga Green Dragon, naniwala na siyang mas matatalino kayo. Hindi niya alam ang tungkol sa kaduwagan at pagkamahiyain niyo. Dahil dito, napakatagal na naming naghihintay!"
"Hindi na ako makapaghintay makabalik!"
"Ako lang ang nanatiling mahinahon. Ngayon na ang tamang panahon." Sabi ni Modana.
"Ang mga Plane Guardian na iyon at mga tanga na hayok sa hustisya ay kinakalaban ang mga God, kaya ngayon ang pinakamagandang oras para gamitin ang Secret Key."
Noong mga oras na iyon, isang malakas na ingay ang maririnig.
Ilang anino ang bumaba.
"Sang-ayon ako na minsan, ang pagiging maingat gay ani Modana ay makatwiran."
Isang putting-puting Dragon na kasing lamig ng nyebe na nasa taas ng bundok ang mabilis na bumaba. Elegante itong naglakas patungo sa tabi ng Green Dragon at tiningnan ang Red Dragon na si Ell. "Kung natuto ka lang ng kaunting pasensya, hindi ka sana natalo basta-basta sa East Coast."
Isa itong White Dragon!
Tiningnan ni Marvin ang mga kaliskis nito sa leeg at tila nahirapan itong lumunok..
"Pucha!'
'Grupo ba 'to ng mga Ancient Dragon?'
Ancient Red Dragon, Ancient White Dragon… Hindi na niya kinailangan hulaan ang dalawa pang mga anino.
Isang Ancient Blue Dragon at isang Ancient Black Dragon, na isa sa dalawang natitirang Black Dragon sa Feinan.
Ang isa pa na si Izaka, ay ginawang alipin ni Marvin.
Ang Dragon na ito ay ang kapares nito, si [Ikarina]. Tila kambal ang dalawang ito.
…
Dahil nakalantad ang peklat nito, nagwala si Ell.
Isang pulang ilaw ang nagliwanag sa dibdib nito. Isa itong senyales na naghahanda itong bumuga ng Dragon Breath!
"Mabuti naman!"
Biglang sabat ni Black Dragon Ikarina, "Dahil nandito na ang lahat, pwede niyo nang itigil ang walang kwentang pag-aaway niyo."
"Dahil nagtipon na ang mga Chromatic Dragon, oras na para buksan ang [Nightmare Boundary]!"
Tumango ang Blue Dragon. "Iyon naman ang rason kung bakit tayo narito ngayon, hindi ba?"
"Nang bumagsak ang Dragon God, nagkahiwa-hiwalay nag mga Chromatic Dragon at hindi na nagawang magtulungan. Oras na para tapusin ang sitwasyon na ito."
"[World Disaster, Black Dragon Return], Kalahati sa mga kondisyon ng propesiya ay natupad na. Kailangan nating magtulong-tulong para sa natitirang kalahati!"
Suminghal muli si Red Dragon Ell at pinangunahan na ang paglalakad patungo sa gilid ng Chromatic Altar.
Sabay-sabay na gumamit ng Shapshit skill ang limang Dragon!
Ang kanilang mga damit ay kapareho ng kulay ng kanilang mga balat kaya naman madali lang silang makilala.
Tumayo sila sa gilid ng altar at tila may kinakapa.
…
'Anong binabalak nila?'
Sumimangot si Marvin.
Kaunti lang ang impormasyon tungkol sa Dragon God Wrath expansion. Sinasabing may kinalaman daw ito sa Dragon God na si Hartson at ang mundong itinatag nito.
Ang mga sikreto ng Lumber Woods ay masyado nang matanda. Galing pa ito sa kaparehong era ng Night Monarch.
Marahil ang mga pinuno lang gn mga Chromatic Dragon ang nakaka-alam ng tungkol dito.
Makikita ang tuwa sa mukha ni Buterfly na tila nanunuod siya ng isang malaking pagtatanghal.
Nanatili lang tahimik si Marvin.
Naramdaman niyang may dapat siyang gawin.
Pero noong mga oras na iyon, isang malalim na boses ang narinig nila sa kanilang likuran. "Mga bulilit, hindi ito isang bagay na basta-basta niyong pinapasok."
'Pucha, mahinang Perception!'
Hindi mapakaling lumingon si Marvin.
Isang malaking ulo ang nakatitig sa kanya.