Tải xuống ứng dụng
39.18% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 288: Silver Scholars

Chương 288: Silver Scholars

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tulad ng inaasahan, mabilis na kumalat ang balita.

Ang unang dumating ay ilang opisyal mula sa ilang siyudad sa Pampo Seashore, pati na mga adventurer at mga malalakas na tao.

Pagkatapos ay ang mga opisyal ng Saint Desert, kasunod nito ang Three Ring Towers, Steel City, at iba pang mga hindi pamilyar na tao mula sa na lugar sa gitnang rehiyon. Lahat sila ay nagtungo sa Rocky Mountains.

Isa itong pambihirang kaganapan.

Isang tigang na lupa lang ang tingin ng karamihan sa Rocky Mountains, isang lugar na walang sino man ang may gustong pumunta.

Pero sa pagkakataong ito, dahil sa Source of Fire's Order, maraming tao ang nagpunta dito.

Karamihan sa kanila ay hindi talaga alam kung ano ang Source of Fire's Order, pero ang ilang sage na sinusuportahan sila ay alam kung ano ito.

Ang Source od Fire's Order ang huling pag-asa sa oras ng delubyo.

At tulad ng inaasahan ni Marvin, ang eksena ng pagkuha ni Kate ng pito sa mga ito ay makikita sa buong Feinan, at mas napupukaw ang atensyon ng mga ito.

Ang kinaganda lang ng sitwasyon na ito ay isang araw matapos itong mangyari, mas marami pang bulalakaw ang tumamasa Norte.

Sa kabuoan, mayroon pang siyam na bulalakaw ang bumagsak sa lugar na ito tulad ng naunang pito.

Nang makita ito, may napagtanto ang mga tao.

Ang siyam na bulalakaw na ito ay bumagsak sa pinakamapanganib na lugar sa Nirte, sa Black Devil Forest!

Hindi tulad ng Rocky Mountain, ang Black Devil Forest ay ang pinakagitnang lugar sa Norte, hinahati nito ang Norte sa dalawa.

Dahil sa pagbagsak ng siyam na bulalakaw, ang ilan sa mga nagbabalak na magpunta sana sa Rocky Mountain ay doon na nagtungo.

Paglipas ng dalawang araw, sa Hope City, nagsisimula na ang mga kaganapan.

Patuloy pa rin ang muling pagbuo ng kanilang mga tahanan, pero napakaraming dayuhan na ang dumating sa Hope City.

Hindi naman komportable dito ang mga naninirahan sa Hope City.

Kahit na ang bangkay ng Black Dragon ay nailagay na sa Thousand Paper Crane ni MArvine, makikita pa rin ang ilang bakas ng labanan tulad ng bahid ng dugo.

Nakuha ang atensyon ng mga tao sa Katimugan dahil sa pagpapakita ng mga kaganapan sa Rocky Mountain sa Feinan.

Mabuti na lang at malakas ang pwersa ng Fate Sisters. Nandyan ang mga Sorcerer ng Devil's Hand, pati na si Jessica na isang Legend na naabot na ang 6th layer ng Fate Power.

Si Kate naman na kakabalik lang, isa na siyang Legend

Bibihira lang ang isang teritoryo na mayroong dalawang Legend na nakatira doon.

Sa kabilang banda, mas bumubuti na ang lagay ni Marvin dahil sa pangangalaga ng pinakamahusay nilang manggagamot.

Karamihan ng mga Sorcerer ng Rocky Mountain ay experts sa pagwasak, hindi sa pagpapagaling. Halos hindi pa sya makalakad.

Pero kahit ganoon, kailangan niya pa ring harapin ang mga susunod na mangyayari.

"Ang pitong Source of Fire's Order ay patuloy na palalakasin ng mga ito ang presensya ng isa't isa."

Tiningnan ni Marvin ang pitong maliliit na ilaw sa kamay ni Kate at sinabing, "Kung papanatilihin mo silang magkakasama, patuloy lang silang gagawa ng malakas na presensya na mapapansin ng mga taong may malakas na perception."

"Kailangan natin silang paghiwahiwalayin, at tatlo lang ang ligtas na mapoprotektahan ng Rocky Mountain."

Bahagyang tumango si Kate. Alam niya ang kahalagahan ng Source of Fire's Order, pero kung tutuusin, isa lang ay sapat na. Kapag masyadong marami ang mga ito, magiging agaw pansin lang ito at maaaring magdulot ng gulo. Ang mungkahi ni Marvin na magtago sila ng tatlo ay para lang maging handa sila sa kung ano mang mangyari.

"At ang apat na matitira, kailangan ko rin ng tatlo." Mahinahon niyang sinabi ang kanyang kahilingan.

Wala namang problema ditto ang Fate Sisters.

Kung hindi dahil sa paglalakas loob ni Marvin, marahil nawasak na ng Black Dragon ang Hope City.

At mayroon silang kasunduan na mayroong siyang karapatan sa mga Source of Fire's Order.

"Paano ang natitirang isa?" Tanong ni Jessica.

"Pakawalan niyo na." Hindi nila inaasahan ang isasagot ni Marvin.

Pinaghirapan itong makuha ni Kate sa isang mapanganib na Ancient Temple, tapos pakakawalan lang nila ito?

Naguguluhan din si Kate.

Pero biglang nagsalita si Lorie, "Tama, pakawalan na natin. Mas makakabuti 'yon."

Nagkatinginan sina Kate at Jessica. Nauunawaan nila ang nakababata nialng kapatid.

Wisdom ang Fate Power Ni Lorie, kaya naman higit pa sa nakikita ng isang pangkaraniwang tao ang nakikita nito.

At dahil sinabi niya ring pakawalan na ito, marahil mayroon itong magandang rason.

Kaya naman, pagkatapos ng kaunting pag-aatubili, bahagyang ibinuka ni Kate ang kanyang kaliwang kamay.

"Wooosh!"

Biglang lumabas palabas ng bintana ang isang Source of the Fire's Order, naging isang maliwanag na bulalakaw ito kasabay ng paglipad nito patungo sa hindi malamang direksyon.

Ang mga taong nagpunta dito dahil sa balita ay nakita ang paglipad ng bulalakaw at agad na binago ang kanilang ruta para sundan ito.

Maraming tao ang maglalaban para sa isang Source of Fire's Order na ito!

...

Sa lihim na silid.

Winagayway ni Kate ang kanyang braso at mayroong dalawang kahon na lumabas. Bawat kahon ay mayroong simpleng disenyo.

Ito ang mga kahon na natagpuan niya sa Ancient Temple.

Ito ang pinakamagandang paglagyan ng mga Source of Fire's Order.

Hinati niya sa dalawa ang natitirang anim na Source at ibinigay ang isang kahon kay Marvin.

Kasabay nito, inabot niya rin ang isang malamig na tablet.

"Pakiusap."

Tiningnan niya si Marvin habang sinasabi ito.

Tumango naman si Marvin.

Kinagabihan, isang karwahe ang mabilis na umalis ng Hope City.

Ang kutsero nito ay ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng Fate Sisters. At bukod kay Marvin, mayroong pang isang tao sa karwahe.

Ang pinuno ng Demon's Hand, ang Sorceress na si Daisy.

Kasama siya ni Marvin nang labanan nito ang Black Dragon na si Clarke.

Nanghihina pa si Marvin sa ngayon at kailangan ng proteksyon mula sa isang Sorceress.

Hindi naman makaalis sina Jessica at Kate.

Dahil kailangan nilang depensahan ang Rocky Mountain.

Ito ang kanilang tahanan, at pangunahing dahilan sa pagkuha nila ng Source of Fire's Order ay para palaguin ang kanilang teritoryo.

Umalis na ang karwahe sa Hope City at naglakbay hindi pantay na kalupaan ng Rocky Mountain hanggang sa nakarating na sila sa Saint Desert.

Mula doon, tumungo ito pa-timog, at nagtungo sila sa kasukalan.

Walang kalsada sa kasukalan. Balot ito ng hamog at maya't maya ay tumitigil ang kutsero para iayos ang kanilang dinaraanan.

Mayroong ding bolang Kristal si Daisy na nakakapagturo kung saan sila patungo.

Mauga at malubak ang buong paglalakbay, pero mahigpit lang na hinawakan ni Marvin ang malamig na tablet.

Nakuha na niya ng Source of Fire's Order, kailangan niya na lang tuparin ang kanyang pangako.

At iyon ang iligtas si Ding!

Pero dahil sa kakaiba ang Fate Tablet na ito, napaisip si Marvin kung kanino siya dapat humingi ng tulong.

Sa Great Elven King?

Ayon sa balita, malubha ang pinsalang natamo ni Nicholas, habang si Ivan naman ay nasa Dead Area, na nasa dakong kanluran ng Pampo Seashore. Maaaring wala siyang mapala kapag nagpunta siya sa Thousand Leaves Forest.

Wala rin naman sigurong magagawa ang ibang Legend Tungkol dito.

Kailangan dito ay malawak na kaalaman tungkol sa kanilang Universe.

Kung mayroon mang mga taong makagagabay kay Marvin, sila na iyon.

Sa Wind Castle, sa Pearl Tower, ang mga Silver Scholar.

Higit sa tatlong araw at gabi rin silang nakasakay sa karwahe bago nakita ang gusali sa gitna ng buhangin.

Isang malaking toreng abot langit ang nasa gitna ng gusaling iyon.

Ito ang Pearl Tower.

Ang Pearl Tower kung saan natipon ang lahat ng kaalaman sa Feinan!

Sinasabing ang lugar na ito ay may bakas ng kapangyarihan ng God Lance, ang kanyang Divine Power.

Kaya naman, ang lugar na ito ay paraiso ng mga Scholar, ang kanilang santuwaryo.

Pero hindi lahat ay maaaring pumasok sa Wind Castle.

Para makapasok, kailangan mayroong Great Scholar na titol ang sino mang nais pumasok.

Pero may ibang alam na paraan si Marvin.

"Tara na!"

Bumulong siya., "Sana hindi ako biguin ng mga madunong na Silver Scholar."


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C288
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập