Tải xuống ứng dụng
1.9% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 14: Bitter Struggle

Chương 14: Bitter Struggle

Biên tập viên: LiberReverieGroup

'Masama 'to!'

Muntik nang tamaan si Marvin at mahati sa dalawa, buti na lang nagawa niyang piliting igalawaw ang katawan para makaiwas.

[Stiffness lifted!]

Muling nailigtas si Marvin ng kanyang fighting experience, kundi dahil dito baka hindi na siya naka-ilag at tuluyang namatay.

Boom!

Sa lakas ng pwersang binuhos ni Diapheis, hindi niya napigilang masibak pati ang lapag.

Isang mala-ulap ng alikabok ang bumalot sa kapaligiran

Ngayon na!

Kumislap ang mata ni Marvin habang umiiwas at agarang pumunta sa likuran ni Diapheis. Dahil sa 19 na puntos ng dexterity, nagkaroon siya ng pambihirang liksi na parang pusa. Sumakay siya sa likod nito gamit ang mga paa at saka inangat ang kanyang twin daggers!

Cutthroat!

Makikita ang takot sa mga mata ni Diapheis! Hindi niya inakalang hindi gaanong tatalab kay Marvin ang makapangyarihan niyang Intimidating Presence.

'Hindi, imposible 'to!'

Kadalasang 2 segundo at hindi lang kalahating segundo tumatagal sa mga low level adventurer ang Intimidating Presence ng isang Barbarian.

Kung sabagay, paano nga naman ba niya malalaman na nag-transmigrate lang si Marvin at maraming laban na ang pinagdaaan, kaya naman malakas ang loob nito. Hindi na ito ang duwag na bata. At kahit na hindi mataasan ang stat ng willpower nito, naging malaking bagay ang kaluluwa nito.

Naging pabaya si Diapheis dahil masyado kang umasa sa kanyang Intimidating Presence. Pero dahil matagal na rin siyang fighter, binitawan niya agad ang palakol niya at sinalag ang Cutthroat ni Marvin gamit ang kanyang mga kamay.

Shing!

Kumalat ang dugong nanggagaling sa parehong kamay ni Diapheis na hinawakan ang mga curved dagger ni Marvin.

Cutthroat failed!

Ngunit hindi pa tapos si Marvin, tumalon siya paibabaw kay Diapheis habang iniikot ang kanyang daggers.

"Aray!" Kahit na napakalakas ng willpower ng mga Barbarian, hindi napigilang indahin ni Diapheis as sakit. Lalo lang sumasakit ang likod kapag sinusubukang itulak palayo ang mga dagger. Kaunting saglit pa, bumaon na sa kaliwang bahagi ng likod niya ang dagger.

Nanatili sa ere si Marvin, saka niya binitawan ang curved dagger na nasa kaliwang kamay at sinipa pa ito para lalong bumaon.

"ARAY!!" Napasigaw sa sakit si Diapheis sa pagbaon ng dagger sa balikat niya.

Umikot sa ere si Marvin saka tuluyang muling lumapag sa lupa.

Hindi makapaniwala ang elite team na nanunuod sa gilid. Hindi ito nagagawa ng pang-karaniwang tao! Mga legendary high elves lang ang nakakagawa ng ganoon.

Hindi rin pang-karaniwang gangster si Diapheis. Puno ang bawat parte ng katawan niya ng armor na mayroon lang maliliit na siwang.

Kahit mga 2nd rank na Phantom Assassin, hindi masasabing kaya nila ang eksaktong pagsaksak gamit ang dagger habang nasa ere, gaya ng ginawa ni Marvin. Ito ang pinakalikas na skill at fighting instinct na makukuha mo lang sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi ito isang bagay na kayang dayain.

Halos mag diwang ang mga miyembro dahil tama ang desisyon nilan. Kung lumaban sila malamang patay na rin sila ngayon.

Kakaiba ang lakas ng dula wielding ranger na ito. Siguradong super-expert siya!

"May nabalitaan akong mayroong mga experts na kayang itago kung gaano talaga sila kalakas at kung gaano kataas ang level nila."

"Sigurado akong super-expert itong Masked Twin Blades na 'to."

"Lagot na! Hindi dapat natin galitin ang super-expert na 'yan. Malay ba natin kung gaanong kalaki ang binayad ng noble na 'yon para lang makakuha ng taong ganyan kalakas."

Nanignginig na sa takot ang ilan sa mga elite na miyembro ng Acheron Gang.

...

Pero walang pakielam si Marvin dahil hindi man lang niya napatay sa mga ginawa niya.

"Walang critical hit.' Tiningnan ni Marvin ang battle log niya at medyo nagsisi. Ginamit na niya lahat ng lakas niya para sa mga move na 'yon. Naubos na rin ang stamina niya.

Nawalan ng higit sa 60 HP si Diapheis pero buhay pa siya. Naghihihalo niyang tinakpan ang sugat sa likod. Kada minuto at segundong nakabaon sa katawan niya ang dagger, lalong nababawasan ang parehong HP niya at willpower.

"Putanginang Ranger 'yan!" Tiniis niya ang sakit at muling dinampot ang palakol niya. Umatake naman siya ng pailalim ngayon.

Gumulong palayo si Marvin para lang maka-iwas. Pero hindi tulad kanina, hindi na muling bibigyan ng pagkakataon ni Diapheis makabawi si Marvin. Pinagpatuloy lang ni Diapheis ang walang habas na pag-atake.

Pilit na iniiwasan at nilalayuan ni Marvin ang axe. Paminsan-minsan sinusubukan pa rin niyang makabawi, pero handang gawin ni Diapheis ang lahat para lang mapa-atras at hindi makalapit si Marvin. Kung titingnan ay kaya ni Diapheis ang mga atake ni Marvin, pero si Marvin ay hindi nangahas na subukang saluhin ang atake ni Diapheis.

Pareho na silang nahihirapan sa kanilang sitwasyon. Labanan na lang ito ng kanilang willpower. Paubos na ang stamina ni Marvin habang pababa na ng pababa ang HP ni Diapheis.

Naging malaking tulong kay Marvin ang dagger sa laban na ito. Kung nalagyan lang sana ni Marvin ito ng lason magiging mas napadali sana ang labanan ito. Kaso nga lang, mahigpit na ipinagbabawal ang lason kaya napakahirap makakuha nito.

Pareho na lang silang umaasa sa kanya-kanyang willpower at instincts para magpatuloy. 

Biglang nagkatinginan ang limang elite na miyembro at pinalibutan si Marvin.

Nawalan na ng pag-asa ang batang babaeng nagtatago sa sulok.

Nakita nilang paubos na ang stamina ni Marvin kaya naglakas loob na silang kalabanin ito.

Hinihingal na siya. Malaki na agad ang nabawas sa kanyang stamina sa pag-iwas pa lang sa axe ni Diapheis. At kung sasabay pa sa pag-atake ang mga ito, paniguradong talo na si Marvin. Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, kung ubos na ang stamina, wala ring kwenta.

Wala nang bisa ang ginawa niyang pagbabanta at pananakot kanina.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Habang iniiwasan muli si Diapheis, tinanong niya, "Gusto mo na bang mamatay?"

"Puro satsat na lang siya!" Sabi ng isang Thief, "Palibutan natin siya at bugbugin para tapusin na siya ni boss!"

Pagtapos sabihin 'yon ng Thief, pinalibutan na nila si Marvin.

Napapaligiran na siya ng mga kalaban!

Namumutlang kinakaladkad ni Diapheis ang axe niya. Sa loob niya'y minumura na niya ang mga oportunistang 'to, hinayaan na lang niya dahil tutulong naman na sila para tapusin si Marvin.

"Tumakas ka na!" Di mapigilang lumabas ng batang babae sa sulok na pinagtataguan niya, nang biglang tumingin sa kanya si Marvin at ngumiti.

Sa isang iglap, sinugod ni Marvin ang limang lalaki. Agad namang kinabahan ang mga ito kaya agad ring nilabas ang kanilang mga sandata.

Nilagpasan ni Marvin ang lima, ngunit naubos na niya ang stamina niya dahil dito.

"Sinusubukan niyang tumakas!"

"Hulihin niyo, dali!"

"Mga tanga! Habulin niyo! Malapit na siya labasan!"

Sumigaw ng napakalakas ni Diapheis, at hinabol niya, kasama ng lima pang miyembro si Marvin at pinalibutan.

Sa puntong iyon, tumakbo na palabas ng kanyang pinagtataguan ang batang babae at pumunta sa harapan ni Marvin. May hawak siyang mas maliit na dagger at isang mukhang palaban.

Magkasama silang lalaban at mamatay!

"Salamat, Isabelle." Hinagis ni Marvin ang hawak na curved dagger at hinaplos ang ulo ng bata.

"Ito lang ang magagawa ko." Nanga-ngatal ang kanyang boses pero dama mo ang kasiguruhan. "Pwede ba kitang tawaging… Mister Mask?"

"Oo naman!" Ngumiti si Marvin.

Pumikit ang batang babae, at sinira ni Marvin ang kanyang kanang kamao at inamba sa mga kalaban.

"Vs'bon!"

Isang kakaibang salita ang lumabas sa bibig ni Marvin, na sa sobrang lakas ay maihahambing sa pagkulog. Lengwahe ito ng Fairy Turin. Wala pa sa singkwenta ang bilang ng taong kayang wikain ang lengwaheng iyon. At higit sa kalahati ng biglang na 'yon ay may titolong Great Wizard.

Lumabas ang makulay na bahaghari sa daliri ni Marvin.

Pagmulat ng mata ni Isabelle tanging ang bahagharing patuloy lang sa pag-agos ang nakita niya.

Kasing ganda ito ng mga paputok tuwing bagong taon, ngunit mabagsik din ito.

Isa ito sa mga pinaka nakakatakot na spell, ang [Rainbow Jet]!

Saklaw ng epekto ng Ranbow Jet ang anim na taong humahabol kay Marvin. Nang tamaan ang limang 1st rank na adventurers, agad naging makukulay na krystal.

At sa isang iglap, sunod-sunod na nabasag ang mga krystal. Nagkalat ang mga dugo at buto nang mabasag ang mga ito.

Isang madugong eksena!

Si Diapheis lang ang tanging nakalusot dahil naka-atras siya agad at dibdib niya lang ang tinamaan ng ray. Pero kahit na ganoon, nabawasan pa rin ang kanyang HP at tanging 30 na lang ang natira.

Habang namatay na ang limang miyembro.

"Hindi!" Naghihinagpis na sigaw ni Diapheis. Naging krystal na rin pati ang kanyang mga kamay at hindi na kayang iangat ang kanyang axe.

"Pahiram ng dagger," ika ni Marvin.

Agad namang inabot ito ng bata. Tinantsa ni Marvin ang bigat nito at saka hinagis.

Bang!

Deretso sa noo!

Kitang-kita ang gulat ni Diapheis sa nangyari bago tuluyang humandusay kasama ng kanyang axe.

"Nakakatakot?"

Tanging si Marvin at Isabelle na lang ang naiwang buhay sa hardin.

Tumikwas ang ulo ni Isabelle at ngumiti, "Ang ganda!"

"Wag mo silang hahawakan ah? Pwede kang mahawa dahil tumatagal pa ng dalawang oras bago mawala ang epekto ng Rainbow Jet," babala ni Marvin 

"Wizard ka ba, Mister Mask?"

"Hindi, Ranger lang ako," sagot ni Marvin. "Pero magic na talaga ang pinakamalakas na sandata para pumatay sa ngayon."

"Pero magbabago na 'yon sa loob ng anime na buwan," tahimik na sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

Maraming Wizard ang sasabog pagkatapos ng great calamity dahil sa sobrang paghigop nila mula sa mana flow ng mundo. Habanng napilitang magbaba ng rank ang iba at naging halimaw naman ang iba pa dahil sa chaotic mana.

Nakakatakot ang delubyong iyon. Nawasak ikaapat na Wizard Era sa loob lang ng maikling panahon. Natutunan rin naman muli ng mga pinakamahusay na nilalang kung paano gamitin ang magic pero hindi na ito katulad ng dati.

"Tara, bumaba tayo sa basement."

Hinila ni Marvin si Isabelle at pumasok sa lagusan.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C14
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập