Tải xuống ứng dụng
52.31% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1186: Sinaniban ni Brother Ye?

Chương 1186: Sinaniban ni Brother Ye?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tinanong ni Ye Mufan, "Kilala mo ba si Kong Jiaming?"

"Yung direktor ng Extaordinary Atack?" Sagot ni Ye Wanwan.

Tumango si Ye Mufan. "Oo, tama. Siya nga! Tumawag si Director Kong at sinabing niyang meron siyang hawak na screenplay na bagay na bagay kay Gong Xu at Luo Chen, kaya balak niyang imbitahan sila para gumawa ng pelikula."

Nagtanong si Ye Wanwan ng may interes, "Talaga? Anong klaseng script? Napakaganda ng pagkakagawa ng mga pelikulang digmaan ni Director Kong.

Pinindot ni Ye Mufan ang kanyang phone. "Tignan mo nalang. Eto ang outline ng screenplay na ipinadala nila ngayon lang. Si Zheng Hui ang nagsulst ng script. Binasa ko ang sypnosis at sa tingin ko okay naman. Bagay na bagay ang mga role kina Gong Xy at Luo Chen…"

Nang makita nina Gong Xu, Luo Chen, at Tang Xinghio na pinakita ni Ye Mufan ang screenplay kay Ye Wanwan, inisip lang nila na baka interesado ang babae sa entertainment industry at hindi nila ito masyasong pinagtuonan ng pansin.

Agad din natapos na tignan ni Ye Wanwan ang outline.

"Ano sa tingin mo? Okay naman diba?" Tanong ni Ye Mufan.

Tumango si Ye Wanwan. "Maayos naman ang screenplay, ngunit hindi 'to bagay kina Gong Xuo at Luo Chen."

"Bakit?" Hindi naintindihan ni Ye Mufan.

"Isa nanaman itong kombinasyon ng isang opisyal at isang prodigal, at kasabay nito ang A Life and Death Struggle. Isang klasiko ang unang beses, ngunit imposible nating lagpasan ang unang beses sa pamamagitan ng dalawang beses. Kundi, napakadaling natin ma-typecast at napaka-disadvantageous nito sa kanila kung gugustuhin nilang kumuha ng ibang role sa kinabukasan."

"Sa tingin ko maaring mag-breakthrough sina Gong Xu at Luo Chen sa sitwasyon nila ngayon at sumubok ng ibang mga role. Lalo na si Luo Chen, kakayanin niya."

Seryosong nakinig si Ye Mufan at hindi pinagdudahan ang mga sinabi ni Ye Wanwan. "Edi tatanggihan ko?"

Tumango si Ye Wanwan. "Tanggihan mo at pasalamatan si Director Hong sa kanyang offer. Tsaka, itanong mo nadin ang bagong pelikula na pinaghahandaan nina Director Hong at Fan Qihua sa susunod na taon, ang Wild Fire. Ang male lead ng pelikulang yun ay bagay kay Gong Xu, kaya baka may oportunidad pang makasama siyang magtrabaho…"

"OK, naiintindihan ko. Sasagutin ko sila pagkatapos ng banquet."

Habang nakikinig si Gong Xu sa pag-uusap nina Ye Mufan at Ye Wanwan, dahan-dahan nagbago ang kanyang itsura. Di siya mapakali sa nararamdaman niyang kakaiba...

Um… Bakit pakiramdam ko sobrang… sobrang pamilyar ng aura ni Little Candied Plum kapag nakikipagusap siya kay Ye Mufan...

Napatingin si Gong Xu kay Luo Chen at nahuli na parehas ang iniisip sa mga mata ni Luo Chen.

Patagong nagtanong si Gong Xu kay Luo Chen, "In*til… Pakiramdam mo ba na yung aura ni Little Candied Plum… katulad ng kay Brother Ye?"

Tumango si Luo Chen. "Sobrang similar…"

"Hindi lang parehas! Para bang sinaniban siya ni Brother Ye, naiintindihan mo?"

Hindi lang ang tono niya at mga mannerisms kapag nagsasalita kundi pati na ang malalim niyang pagkakaintindi sa kanya at kay Luo Chen, pati na ang pag-uugali ni Ye Mufan sa kanya. Parang kakaiba ang lahat, hindi ba?

A… anong nangyayari?

Patulay na sinasabi ni Ye Mufan kay Ye Wanwan, "Tsaka, tumawag ulit ang Date with a Superstar. Sobrang kapag ng mukha ng duwag na Hou na 'yon para imbitahan tayo sa susunod na episode. Tsaka, yung Hot-blooded Adventure na binaliwala ang kontrata bago ang award ceremony, inililipat na ang sisi at sinasabing isang temporaryong manggagawa ang may kagagawan…"

"Huwag mo tatanggapin yung dawalang 'yun. May tumawag pa ba na ibang variety shows?"

Tumango si Ye Mufan at ibinigay sa kanya ang phone nito. "Siyempre meron! Eto ang mga tumawag sa atin sa ngayon. Tignan mo!'"

Itinuro ni Ye Wanwan ang dalawang variety show. "Okay itong dalawang ito. Hayaan mo mamili ng pupuntahan si Gong Xu at Luo Chen."


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1186
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập