Madaling araw nang nakatulog si Ye Wan Wan dahil naging abala siya. Nagising siya dahil tumawag sa kanya si Ye Mu Fan noong kinaumagahan.
"Hello? Ge…" naalimpungatan si Ye Wan Wan noong sinagot niya ang tawag.
Agad na nagsalita si Ye Mu Fan, "May masama at magandang balita ako - ano ang gusto mong mauna?"
Ye Wan Wan: "Kahit ano na lang~"
Ye Mu Fan: "Ang magandang balita ay kinausap ko na si Xu Lin at ayon sa tinuro mo sa akin - hindi natin papalitan ang plot at wala tayong babaguhin sa buong script. At tsaka, hahayaan namin siyang makilala ng personal sila Gong Xu at Luo Chen."
"Pinaghandaan ng maigi nila Gong Xu at Luo Chen ang kanilang presentasyon at nag-perform sila ng maayos; pumayag na si Xu Lin na gawin nating pelikula ang maestro niya!"
"Maganda 'yon." Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan.
Nagkaroon ng script meeting sila Ye Wan Wan, Luo Chen at Gong Xu bago pa ang lahat; alam niya na ito ang dugo at pawis ni Xu Lin at mataas ekspektasyon niya dito. Nagkaroon sila ng diskusyon ni Xu Lin bago nila aralin ng buong buo ang script, kaya sumangayon kaagad si Xu Lin na makipag-trabaho sa kanila.
Si Xu Lin ay hindi nakapagtrabaho ng maayos sa industriya dahil sa ugali niyang idealistic at perfectionist. Para sa kanya, nasa lahat ng bagay ang sining.
Hindi nakuha ng buo ng Emperor Sky ang kanyang scripts at parati nilang ine-edit ang gawa niya hanggang sa lumayo na ito sa orihinal.
Hindi mahalaga ang pananatili na siya ang may-ari ng kanyang mga scripts. Ang nangyari sa huli ang dahilan kung bakit siya umalis ng Emperor Sky. Kinuha niya ang pinakahuling script niya at nais niyang gumawa ng palabas na naaayon sa kanyang storya.
Ngunit sa huli, sinira ng Emperor Sky ang kanyang pangarap bago niya pa gawin ito. Hindi lamang ang trabaho niya ang nasira kundi ang kumpanya rin ay naubusan ng napakaraming pera dahil dito.
Sa huli, tinanggal ng Emperor Sky ang eksena sa script ni Xu Lin na may sakripisyo sa bayan na hindi naman sikat sa publiko, "A Life and Death Struggle," at ginawa nila itong drama serye na, "The Age of Love."
Kahit na hindi sumikat ang palabas na iyon, tinangay pa rin nila ang storya na ginawa ni Xu Lin at gayundin ang puso na pinalooban niya nito. Nawalan na ng pag-asang mabuhay si Xu Lin dahil sa naramdaman niyang sakit sa panahon na iyon.
"Ano naman ang masamang balita?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.
Biglang bumigat ang tono ng boses ni Ye Mu Fan. "Ang masamang balita naman, noong mga nakaraang araw na lumipas pagkatapos natin pumirma ng kontrata na kasama si Xu Lin, biglang nakipagkita kay Xu Lin ang bastardo na nanggaling sa Emperor Sky. Sinabi niya na ninakaw raw ni Xu Lin ang script ng kanyang guro na si Tan Zhen Xin! Gusto niyang ipursige ang kaso sa korte!"
"Alam ko ang mga maduduming pamamaraan ng Emperor Sky! Yung lalaki na iyon na si Tan Zhen Xin, ay wala namang nagawang istorya noon. Ang kahalagahan niya lamang ay nakakuha siya ng titulo bilang gokd medal scriptwriter noong nagsisimula pa lamang siya. Apprentice niya man si Xu Lin, pero sa totoo, si Xu Lin ang kanyang ghostwriter!"
"Malaki ang benepisyo ni Xu Lin kay Tan Zhen Xin, kaya malamang ayaw niyang pakawalan ito. Gusto na sanang umalis ni Xu Lin at gawin niya ng mag-isa ang trabaho niya, ngunit ayaw siyang paalisin ni Tan Zhen Xin at gustong panatilihin ng Emperor Sky ang titulong gold medal script writer. Kahit na alam nila kung sino talaga ang gumawa ng script, nagkunwari pa rin sila at gumawa sila ng hindi totoong akusasyon na ninakaw raw ni Xu Lin ang istorya ni Tann Zhen Xin…"
"Sige, naiintindihan ko." Kalmado pa rin si Ye Wan Wan. Okay yan, umaayon pa rin sa plano ang mga nangyayari.
"Huh? Bakit kalmado ka pa rin? Alam mo ba na nadawit ang kumpanya natin sa kaguluhan dahil pumirma tayo ng kontrata na kasama si Xu Lin? At tsaka, alam ni Ye Yiyi at Ye Shao An na ginawa ko ang kumpanyang ito na kasama ko ang kaibigan ko at malamang guguluhin nila ako. Malamang dedemandahin ng Emperor Sky ang kumpanya natin!" Nag-panic na si Ye Mu Fan.