Tải xuống ứng dụng
9.13% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 207: ‘Wag mong pilitin na maghubad ako ng pantalon ha?

Chương 207: ‘Wag mong pilitin na maghubad ako ng pantalon ha?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang mabighani at mapuno ng emosyon si Shen Meng Qi, bigla niyang napagtanto na naglalakad si Si Ye Han papunta sa class F at dahil doon nagbago ang kanyang mukha.

Andito si Si Ye Han para hanapin si Ye Wan Wan?

Edi malalaman ng lahat na boyfriend ni Ye Wan Wan si Si Ye Han?

Syempre ang bobitang iyon ay mamatay sa sobrang tuwa!

Hindi mapakali si Shen Meng Qi habang iniisip niya ang ganoong mga bagay at umaakot siya na parang may ninakaw sa kanyang gamit.

Hindi pwede mangyari ito!

At sa oras na iyon, mukhang gumawa ng plano si Shen Meng Qi sa kanyang isip at makikita na unti-unti siyang ngumingiti sa sobrang tuwa.

Hindi mangyayari iyon, patay ka ngayon Ye Wan Wan! Alam ko suot niya pa rin ang damit ni Si Xia 'di ba?

Ha! Bobita itong si Ye Wan Wan. Nasakanya na nga si Si Ye Han kaso mas pinili niyang mahulog kay Si Xia

Ngayon, tulad ng ratan na basket na ginagamit pangsalok ng tubig; kailangan kong itapon ang pag-asa sa kanyang puso at lahat ng pinaghirapan niya.

Pero, Si Xia, Si Ye Han… Parehan ang papelyido nilang dalawa--- hindi kaya magkamag-anak sila? Kasi hindi naman common ang apelyidong "Si."

Napuno ng suspetya ang mga mata ni Shen Meng Qi dahil sa naisip niya, ngunit mabilis ring nawala ito.

Kahit pa napakagaling ng background ng pamilya ni Si Xia, paano naman siya magiging kamag-anak ng Si family? At saka, transferee si Si Xia galing Shen City kaya malamang lokat na tyrants lang ang pamilya niya.

"Ahhhh--- ayan na, ayan na! Pupunta na siya sa klase natin!"

"Sino kayang hinahanap niya? Hindi kaya may nagpadala sa kanya ng coat?"

"Ay, diyosko! Hindi nga? Para kanino naman?"

Nababaliw na ang mga babae sa class F.

Sinubaybayan nila ang papalapit na si Si Ye Han. Habang si Ye Wan Wan ay nagtatago sa ilalim ng kanyang desk.

Pwersahan niyang binigay ang damit ni Si Xia sa kamay ng binata na prang mainit na patatas, "Suotin.mo.ito. Ngayon din!!!"

Pumiksi si Si Xia, "Ayoko!"

Kinaskas ni Ye Wan Wan ang ngipin niya sa pagkagalit, "Suotin mo na ngayon ito! Kundi, bubugbugin kita!"

Natawa si Si Xia, "'Wag mo rin akong piliting hubarin ang pantalon ko ha?"

Ye Wan Wan: "..." Wala ka na bang integridad?

Habang nagsasalita siya, nakaabot na si Si Ye Han sa entrance ng classroom nila.

Hindi mapinta ang mukha ni Xu Yi nang makita niya si Ye Wan Wan na inaabot ang damit ng nakahubad na lalaki.

S***! Anong eksena ito?!

Sira ulo!

Parang guguho ang mundo na bumalot sa mga mata ni Ye Wan Wan at Xu Yi. Dahan dahang tinago ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha. Hindi ko malilinis ang krimen na nagawa ko kahit pa tumalon ako sa Lethe River, g*go talaga… Walang intensyon si Si Xia na suotin ang kanyang damit. Umupo lang ang binata habang nakapukaw ang kanyang tingin kay Si Ye Han, nang biglang may umusbong na sakit sa may hita niya----

"P***!"

Tsk, g*gang babaeng 'to! Kunumukurot hanggang sa magsugat ako!

Tsk, sige lang, mangurot ka lang! Hindi ko pa rin susuotin yan kahit na patayin mo ko sa kakakurot!

Kinaskas ni Ye Wan Wan ang kanyang ngipin at tiningnan ang mokong na mas pipiliin pang mamatay kaysa sumunod.

Sa wakas, sumunod na lang si Ye Wan Wan sa kapalaran-- Nanginginig siyang tumayo, umalis sa kanyang upuan at naglakad papunta sa pinto...

Sa mga matang nakatingin sa kanya, panonood lang nila si Ye Wan Wan na tumayo at lumapit sa lalaking iyon.

Walang pakialam si Ye Wan Wan sa tingin ng mga tao sa kanya. Sa mga oras na iyon, nagsitaasan ang lahat ng buhok niya at lahat ng atensyon ay nakapukaw sa lalaki.

"Yung… pa…" at nang magtagpo ang mata niya at ang walang pakiramdam na nakakapanliliit na tingin ng lalaki, muntikan niyang tawagin siya ng "Papa."

Pinakalma ni Ye Wan Wan ang kanyang sarili at kinagat ang kanyang dila, pilit siyang ngumiti at sinabi, "Dar… Darling, bakit andirito ka?"


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C207
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập