Tải xuống ứng dụng
4.05% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 92: Ang sikreto ng master

Chương 92: Ang sikreto ng master

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Narinig ang malakas na tunog ng pagkabasag ng salamin.

Bumagsak sa sahig ang tasang hawak-hawak ni Ling dong. Siya ay parang tinamaan ng kidlat ng tignan niya ang dalawang tao, tuliro niyang sabi, "Ikaw… Ikaw ikaw ikaw… Ikaw yung"

Siya at si Ye Wanwan ay magkaiba pag magkasama kaya hindi inaakalang sila ang magkakatuluyan, At ang makitang kahalikan nito si Ye Wanwan ay nakakagulat na para bang ito ay galing sa isang sci-fi movie.

"Ikaw ang boyfriend ni Ye Wanwan…" Matagal ding hinanap ni Ling dong ang kanyang boses.

Kahit na hindi pa niya nahalikan si Ye Wanwan ng ganon ang kaniyang makeup, humanap naman si Si Xia ng dahilan upang maka alis na ito, ngunit talaga ba ang lalaking ito ay...

Naisip niya ang sinabi ni Ye Wanwan noon, kaya lamang ganon ang kaniyang itsura ay dahil ito ang gusto ng kanyang boyfriend.

Totoo nga ang sinabi ni Ye Wanwan!

Bihirang tumingin ang mga mata ng lalaki kay Ling Dong bago nito dalihin ang babae paalis sa walang kataotaong restuarant.

Sa umpisa hanggang matapos, masunuring tinanggap ni Ye Wanwan ang mahigpit na pagkakayakap ng lalaki.

Marahil na siya ay tinatamad ng bahagya, mag mula ng siya ay gumising o wala lamang ang natural na nakakatakot na mukha ni Si Ye Han. Ngunit ang mapalapit kay Si Ye Han ay hindi naman ganun kasama katulad ng kanyang inaasahan.

Sa bawat pag hinga, naaamoy nito ang pabango na nang gagaling sa bunga ng puno. Malayo ito sa karaniwang malamig na pakikitungo ni Si Ye Han, Ngunit ito ay napaka bango.

Maaaring ito nga ay kanyang ilusyon lamang ngunit malinaw na ang lalaking ito ay naka itim na damit parin hanggang ngayon, Gayun pa man ito ay nagbibigay sa kanya ng engrande at pormal na pakiramdam.

Hindi siya gumagamit ng pabango ngunit siya ay gumamit ngayon, Ang kaniyang banayad, mamahalin, antigong itim na butones, ang kaniyang bakal na pangipit at ang desensyo ng kaniyang pormal na kasuotan ay parehas sa iba niyang pormal na kasuotan ngunit kung titignan mo ito ng mabuti, ito ay nagmumukhang bago.

Ang nakakatakot lamang sa lalaking ito ay masyado siyang… gwapo ngayong gabi...

Siya ay nasilaw sa itsura ni Si Ye Han, kahit na lagi naman niyang nakikita ang mukha nito.

Ngayon inalala niya ang mukha ni Ling Dong, hindi nito maiwasang mamangha. Ang tatlong halaga ng batang ito ay baka mawasak at mapira-piraso lang ngayong gabi.

Nakatayo si Xu Yi sa pintuan ng restaurant at nakita niya ang lahat ng nangyari sa loob, nakita rin niya ang lalaki na nakatayo sa gulat.

Pinunasan ni Xu Yi ang kanyang pawis at hindi nito maiwasang husgahan ng tahimik ang kaniyang master. Master, kailangan pabang gawin iyon?

At sa mga oras na ito, Pareho rin ang nasa isip ni Ye Wanwan. Ginamit ito ni Si Ye Han upang hadlangan ang panliligaw ni Ling Dong at yun ay walang pagkakaiba sa pag gamit ng malakas na lebel ng kalaban para pumatay ng isang baguhan.

"Erm… Pakiusap… Ibaba mo na ako…" Ang sabi ni Ye Wanwan , nang mapansin niyang bitbit parin siya, tila wala siyang intensyon na ibaba ito.

Huminto ang lalaki at ang kapaligiran nito ay biglang lumamig. Hindi nag tagal ibinaba na rin niya ang babae.

Tumalon pababa si Ye Wanwan, Tiningala niya ang kanyang ulo at tinignan ang lalaki na nasa kaniyang harapan, at dali dali nitong sinabi, " Maaari bang ibakay mo ako sa iyong likuran…"

Nagulat ang lalaki ng matapos niya itong marinig, Subalit yumuko siya sa harapan nito ng dahan- dahan.

Agad namang sumampa si Ye Wanwan sa likuran ng lalaki, ang mga kamay nito ay nakayakap sa leeg at humikab, "Mas maayos ito sa pakiramdam"

Nakita ni Xu Yi ang ugnayan ng dalawa at ang kaniyang puso ay para bang rollercoaster na taas baba.

At bigla niyang napagtanto na kapag pinapagaan ni Ye Wanwan ang loob ng kaniyang master, hindi ito makapaniwala na ang kaniyang marahas at nakakatakot na master ay nagiging masunurin.

Sa walang tao at tahimik na daan, dahan dahang bitbit ng lalaki ang babae pabalik sa paaralan.

At nararamdaman nito na unti-unting nasasandal ang ulo ng babae sa kanyang likuran, "Pagod ka?" tanong ng lalaki.

Inilagay ni Ye Wanwan ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki at tumango, " Oo… May mahalaga bang nangyari sayo ngayong araw, Iyon ba ay importante?"

"Ayos lang yun"

Hindi kumbinsido si Ye Wanwan sa sagot nito, "Talaga ba? Pero bakit paiyak na ang katiwala nyo na si Xu sa telepono ngayon lang.

At kahinahinalang tumingin ang babae kay Xu Yi matapos siyang magsalita

Biglang napaliyad si Xu Yi at madali nitong ikinaway ang kaniyang kamay, "Ah, Ms Ye, Wala lang iyon, maayos na po ang lahat."

Kahit na magkamatayan pa, hindi niya kailan man sasabihin sa kaniyang mataas at eleganteng master na mag palit ito ng kasuotan sa loob ng tatlong oras, na pinaghirapan ng mahigit sa sampung stylist at iniyakan ng kaniyang mga katulong, bago umalis ng kanilang bahay...


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C92
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập