Tải xuống ứng dụng

Chương 91: Ibaba mo siya!!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Malapit nang magsara ang restaurant at silang dalawa na lang ang natitira.

Nitong mga nakaraang araw ang oras ng tulog ni Ye Wanwan ay hindi tuloy-tuloy kaya siya ay nagiging antukin, sa mga oras na ito siya ay inaantok na.

Walang dumating sa paghihintay nila, ang mga mata ni Ye Wanwan ay paunti- unti ng bumabagsak, nauna niyang isinandal ang kanyang baba, at tuluyan na ngang humiga sa ibabaw ng lamesa, hindi nag tagal ay naka tulog na ito.

Una palang binabantayan na ng maigi ni Ling Dong ang oras. Subalit pag lingon niya, nalaman niya na si Ye Wanwan ay mahimbing na natutulog.

Habang tinititigan niya kung paano matulog ang babae, biglang sumagi sa isip nito ang nangyari nang gabing iyon. Ang kanyang mga tainga ay biglang namula.

Sinabi niya na lang na kung nagsisinungaling lang siya sa kanya ay papayag siyang maging girlfriend nito. Pumayag ba siya dahil gusto niya din talaga ito?

Sandali muling tinignan ni Ling Dong ang orasan at bahagya itong nanabik. Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ng babae, "Wanwan…"

Sa mga oras na ito, biglang may humampas at ang babasaging pintuan ng restaurant ay binuksan ng isang mapayat at makinis na kamay, sinamahan pa ito ng bugso ng hangin.

"Paumanhin, sarado na ang aming restaurant...Erm…" Ang boses ng may-ari na pumapawi sa hangin.

Ang ingay ng tapak ng paa ay papalapit ng papalapit.

At biglang siyang nakaramdam ng hindi inaasahang malamig na hangin, at tumingin sa pintuan ng hindi niya namamalayan.

Sumunod na nangyari, ang kanyang mga mata ay biglang nanlaki.

At kung saan ito nakatingin may isang lalaking dahan- dahang papalapit sa kanya.

Nakasuot ang lalaki ng vintage classic black na suit. At ang kaniyang mga mata na tila bang nagyeyelo na parang may kakayahan itong magpayelo ng kaluluwa.

Habang sya ay papalapit, ang kaniyang itsura ay para bang hindi nahahawig sa isang tao. Siya ay parang isang hari ng mga demonyo na nag lalakbay sa mahangin na gabi at ginamit ang liwanag ng buwan upang makarating sa mundo ng mga tao. At ang dating muluwag na restaurant ay naging makipot at masikip.

Habang nakatingin sa kinaroroonan ng lalaking mala demonyo ang itsura, biglang pumasok sa isip ni Ling Dong ang mga salitang binanggit ni Ye Wanwan.

Hindi hamak na mas gwapo kesa kay Si Xia...

Kung meron mang ganung tao dito sa mundo, siya na iyon!

At nang agad bumalik ang kanyang katinuan, agad niyang napagtanto na siya pala ay nakanganga, at ang lalaki ay nasa kanyang harapan na.

"Uh.. Ikaw.. May maitutulong ba ako sa iyo? Walang kamalay malay na tanong ni Ling Dong.

Hindi sumagot ang lalaki, malamig ang tingin nito sa kanya, at naramdaman ni Ling Dong na para bang biktima siya nito, na nilamon sa kaniyang lalamunan.

Nang manigas ang buong katawan ni Ling Dong, malamig na pawis ang bumalot sa kaniyang noo. At ang mahimbing na natutulog na si Ye Wanwan, ay nahulog.

Agad sanang sasaluhin ni Ling Dong si Ye Wanwan nang makitang malapit na itong mahulog.

At ang lalaking nakatayo ay mabilisang itinikwas ang kaniyang katawan at nasalo ng kaniyang mga braso ang babae.

Biglang napatingin si Ling Dong sa lalaking may hawak kay Ye Wanwan, na nakayakap at maiging nakatitig sa kanya.

Nang magising si Ye Wanwan dahil sa gulat, kinusot niya ang kanyang mga mata at tumingin sa lalaking nasa kanyang harapan. Siya ay sandaling napatigil, at marahan niyang hinawakan ang katawan ng lalaki " Bakit ang tagal mo…" reklamo nito.

Nang tinignan ng lalaki ang babae na nasa kanyang mga braso, ang kanyang malamig na tingin ay napalitan ng sigla.

Tinignan ni Ling Dong si Ye Wanwan at ang lalaki. "Anong… Anong nangyayri?

Habang nakatulala si Ling Dong, Iniangat naman ng lalaki si Ye Wanwan.

At nang bumalik sa katinuan si Ling Dong at nasabing, " Sandali, Ibaba mo siya! Sino kaba?"

Sa sumunod na pangyayari ang kapaligiran ay napalibutan ng tensyon.

Tinignan ng lalaki ang babae na nasa braso niya habang patuloy na gulat pading tinitignan nito ni Ling Dong, unti-unti niyang ibinaba ang kanyang ulo at hinalikan ang babae sa kanyang mapupulang mga labi.


Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C91
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập