DravenBlack

DravenBlack

male LV 1

Writer | Goth | Frustrated Gamer | CupcakKe and Jiafei Fan

2019-05-13 เข้าร่วมแล้ว Philippines
กิจกรรม
งานต้นฉบับ
ป้าย 3

Moments 3
DravenBlack
DravenBlack
DravenBlack
2 years ago
Commented

Napakaganda nito! Ang galing nyo pong writer sana marami pa kayong mapublish na stories dito, Sir Boy Kritiko. More power pa po! ^_^

DravenBlack
DravenBlack
2 years ago
Commented

Ang ganda! Napakagaling nyo po sana marami pa kayong ma-publish na stories dito [img=recommend]

  • Mga Apoy Sa Langit original

    Mga Apoy Sa Langit

    Urban

    Si Maria Elena Iglesias ay nagmula sa mayamang pamilya, nagtataglay ng kagandahan at kabutihang loob na sumisimbolo sa pagiging Dalagang Pilipina. Mayroon siyang butihing ina, inggiterang mga kapatid at isang corrupt na ama. Ipapakasal siya sa isang mayamang lalaki na bagamat may mabuting kalooban ay hindi naman niya mahal para lang pigilan siyang maging madre. Dahil naman sa labis na kasakiman sa kapangyarihan, maraming makakaaway sa mundo ng politika ang kanyang ama. At di kalaunan ay madadamay pati ang buong pamilya nila. Magbabago ang kanyang buhay dahil sa isang aksidenteng sasapitin niya na magpapabura din sa kanyang alaala. Sa muli niyang paggising, makikilala niya ang isa pang lalaki na kumupkop sa kanya at magbibigay ng bago niyang pangalan. "Ikaw na ngayon si Clara... Gagamitin kita para makapaghiganti sa magnanakaw mong ama!" Mula sa awtor ng Impostora at Eight Years Old Heart. Isang panibagong drama serye ang magpapainit sa inyong mga gabi ngayong 2022.

    2 Chs 0 คอลเลกชัน

  • Mateo Leoron Teodoro original

    Mateo Leoron Teodoro

    Horror

    เสร็จสมบูรณ์

    Sa isang baryo sa Pampanga noong sinaunang panahon, lahat ng mga tao ay may kanya-kanyang kaalaman sa kapangyarihang itim na kung tawagin nila sa kanilang wika ay KALAM. Ang KALAM ay isang malalim na salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay "The Gifted". Sa labis na pagkauhaw sa Kalam, magkakaroon ng matinding giyera sa kanilang lugar. Magpapalakasan ng kapangyarihan at mag-uubusan ng lahi para lang makuha ang lahat ng karunungang itim na nakapaloob sa Kalam. Dahil doon, nalagas ang lahat ng kanilang angkan at walang natira. Sa modernong panahon ngayon, may isa pang natitirang tao na taglay ang lahat ng Kalam. Siya si Father Mateo del Puero Salvador. At nagbabalak siyang ituro ito sa mga bagong Kapampangan. Ano kaya ang mangyayari kapag nabuhay muli ang kulturang ito sa panahon ngayon kung saan ang Kalam ay itinuturin na lamang sa kanilang lugar bilang alamat?

    16 Chs 6 คอลเลกชัน

  • TUKLAW original

    TUKLAW

    Horror REVENGE SCARY

    เสร็จสมบูรณ์

    Sunod-sunod ang naganap na patayan sa lugar ng Antonio del Pilar. Isa-isang natagpuan ang bangkay ng mga kriminal na matagal nang wanted sa batas. Ngunit ang ipinagtataka ng mga pulis ay kung bakit putol-putol ang katawan ng mga ito. Ang iba ay dinukutan pa ng utak at mga lamang-loob. Bukod pa sa brutal na pagpaslang ay nakitaan din ang mga ito ng kamandag ng ahas na maaaring tunay na ikinamatay ng mga ito bago wasakin nang ganoon ang katawan. Sigurado ang taumbayan, hindi magagawa ng isang pangkaraniwang ahas ang ganoong uri ng pagpatay. Nilalason muna ang biktima sa pamamagitan ng kamandag bago durugin ang katawan at dukutan ng lamang-loob. Bumalot ang takot at pagtataka sa buong lugar. Nahihiwagaan sila kung sino o anong uri ng nilalang ang gumagawa ng misteryosong pagpatay. Isang tanong ang nabuo sa kanilang mga isipian... TAO ba o AHAS ang pumapatay sa bayan ng Antonio del Pilar?

    18 Chs 35 คอลเลกชัน

  • Mata ng Kamatayan original

    Mata ng Kamatayan

    Horror

    เสร็จสมบูรณ์

    Ang mga santong alagad ng kabutihan ay sasapian ng kadiliman upang maghatid ng kasamaan sa buong sanlibutan. Hindi ka nila patatahimikin mula ngayon maging sa panaginip hanggang kamatayan. Ikaw ang papatay sa iyong sarili at sila ang maghahatid sa iyong kaluluwa patungo sa nagliliyab na kaharian. Saan ka man magpunta... Saan ka man magtago... Hinding-hindi ka makakatakas sa mga... MATA NG KAMATAYAN

    10 Chs 36 คอลเลกชัน